PANANALIG AT PAGKAKAISA – KAPILYA SA LUMBANG, TINULUNGANG MAITAYO NG PAMAHALAANG LOKAL

Nitong unang araw ng Hunyo, pinasinayaan ang bagong-tayong Señor Santiago Apostol (St. James the Apostle) Chapel sa Barangay Lumbang. Pinangunahan ito nina Tagapangasiwa ng Lungsod Pedrito Eisma, bilang kinatawan ni Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman, kasama si Padre Franklyn Floyd Costan, JCL, kura paroko ng Parokya ng San Vicente Ferrer, at sina Lumbang Punong Barangay Hayma Omar at mga opisyal ng barangay.
Si Padre Costan ang nagbendisyon sa kapilya sa atas ni Obispo Leo Dalmao ng Prelatura ng Isabela de Basilan.
Ang kapilyang ito ay naitayo sa pamamagitan ng bukas-palad na suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa ilalim ng pamumuno ni Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman. Noong Marso 3 ng kasalukuyang taon, personal na lumapit si Padre Costan sa alkalde upang humingi ng tulong para sa pagpapatayo ng kapilyang ito sa Barangay Lumbang, isang kahilingang agad tinugunan ng huli bilang pagpapakita ng kanyang paniniwala sa diyalogo at paggalang sa pagkakaiba-iba.
Mula pa sa simula ng kanyang panunungkulan, pinangunahan ni Punong Lungsod Turabin-Hataman ang isang pamahalaang nakikinig, kumikilala, at kumikilos para sa lahat, anuman ang relihiyon o pinagmulan. Sa kanyang pamumuno, patuloy na naitataguyod ang pagkakaunawaan sa pagitan ng mga komunidad ng Muslim at Kristiyano sa Lungsod ng Isabela upang makamit ang isang buhay na maligaya at marangal para sa lahat. (Kuha ng Tanggapan ng Tagapangasiwa ng Lungsod)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

LGU ISABELA COS AT JOS, KALAHOK SA PAGBABALIK NG GOGO ISABELA

Matagumpay na naisagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pampublikong Impormasyon at ng GoGo Advocates, ang pagbabalik ng GoGo (Good Governance) Isabela Training Caravan para sa mga manggagawang COS at JO ng lungsod nitong ika-17 ng Nobyembre. Ginanap ito sa 2nd floor ng Pasangen Commercial Complex

Read More »

TEACHER EDUCATION COUNCIL TAKES PART IN THE 20TH SESSION OF SAKAYAN-KAALAMAN 4.0

The 20th session of Sakayan-Kaalaman 4.0 was successfully held on November 16, 2026, at Westside Elementary School, further advancing the City Government of Isabela’s efforts to promote literacy, education, and the holistic development of young learners. Sakayan-Kaalaman 4.0 is an initiative of City Mayor Hon. Sitti Djalia Turabin-Hataman, brought to

Read More »

YOUNG WOMEN LEADERS GATHER FOR TOWNS 2025 FORUM ON SECURITY

Young women leaders gathered in Isabela City on November 16 for the TOWNS 2025 Young Women Leaders Forum, themed “SECURE HER FUTURE: Building Resilient, Empowered, and Future-Ready Young Women,” held at Chavacano Hall, Kasinnahan Hotel and Resort in Barangay Binuangan. Organized by the TOWNS Post-Search Committee in coordination with the

Read More »