LUNGSOD NG ISABELA, NAKATANGGAP NG PATIENT TRANSPORT VEHICLE MULA PCSO

Bilang pagtupad sa pangako ng pambansang pamahalaan na mapabuti ang serbisyong pangkalusugan, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang seremonya ng pormal na pagpapaabot ng mga Patient Transport Vehicle (PTV) sa isang programa sa Lungsod ng Dipolog, Zamboanga del Norte, ika-1 ng Agosto.
Isa sa mga tumanggap ay ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela na kinatawan mismo ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, na personal na tumanggap ng medikal na sasakyan mula kay Pangulong Marcos at sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pangunguna ni Meliquiades Robles, Pangkalahatang Tagapangasiwa. Ang PTV ay ibinigay sa ilalim ng Medical Transport Vehicle Donation Program (MTVDP) ng PCSO na layuning palakasin ang emergency response at serbisyong medikal sa lungsod.
Sa kanyang talumpati, muling tiniyak ni Pangulong Marcos Jr. ang paninindigan ng kanyang administrasyon na palawakin ang serbisyong pangkalusugan sa buong bansa, lalo na sa mga liblib at hindi gaanong napagsisilbihang lugar. Binanggit niya ang layunin na mabigyan ang bawat lokal na pamahalaan ng kahit isang PTV, at ang bagong disenyo nitong mas maliit ay ginawa para makadaan sa makikitid na kalsada.
Nagpasalamat si Punong Lungsod Turabin-Hataman sa pambansang pamahalaan at binigyang-diin ang kahalagahan at tamang panahon ng donasyon. Aniya, halos doble ang lawak ng Lungsod ng Isabela kumpara sa Lungsod ng Quezon, at kahit may mga sinanay na community responders, naaantala ang pagresponde sa mga insidente dahil sa kakulangan sa sasakyan—lalo na kung may sabayang tawag mula sa mga malalayong lugar. Dagdag pa niya, makikinabang sa bagong PTV hindi lamang ang mga taga-Lungsod ng Isabela kundi pati ang mas malawak na bahagi ng Lalawigan ng Basilan dahil ang lungsod ang nagsisilbing sentro nito.
Ang sasakyan ay kumpleto sa mga pangunahing gamit gaya ng stretcher, oxygen tank, blood pressure monitor, at iba pang kagamitang medikal upang masigurong ligtas at maayos ang pagdadala ng pasyente. Ang Lungsod ng Isabela ay isa sa 106 na benepisyaryo ng programa sa ilalim ng inisyatiba sa Zamboanga Peninsula. (Ambag na Ulat)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

ZFF CONDUCTS FIRST 2,000 DAYS (F2KD) BASELINE FOR ECCD IN ISABELA CITY

The Zuellig Family Foundation (ZFF) Validation Team conducted the baselining activity for the First 2,000 Days (F2KD) Roadmap in Isabela City, through the review and validation of documents based on the indicators in the F2KD tool, held in City Population Management and Development Office (CPMDO), November 11. ‎ ‎The activity

Read More »

ISABELA CITY HOLDS PEOPLE’S BUDGET CONSULTATION TO STRENGTHEN TRANSPARENCY AND PARTICIPATORY GOVERNANCE

The City Government of Isabela held its annual People’s Budget Consultation on November 11, at City Hall Lobby, bringing together Punong Barangays and representatives of Civil Society Organizations (CSOs) to discuss the city’s budget priorities and development initiatives. The consultation provided a platform to present the allocation of the city’s

Read More »

FROM LOCAL CHALLENGES TO YOUTH-LED SOLUTIONS

Young people have a role in deciding how their communities respond to flooding, waste, and coastal pollution. Supporting their leadership means connecting their ideas with community knowledge, local institutions, and the resources needed to act. This was central to Angat Kalikasan: Youth Environmental Leadership Bootcamp in Basilan, supported by the

Read More »

MAYOR DADAH CONVENES SECURITY PRESONNEL FOR MUSEO PANTAN INAUGURATION

Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, together with City Tourism Officer Claudio Ramos II, convened security personnel and representatives of concerned agencies and stakeholders on November 10 to discuss security preparations for the inauguration of Museo Pantán (Museum of Isabela de Basilan) on November 19. The meeting focused on establishing comprehensive security

Read More »