KAMPANYA SA FOI, MAS PINALAKAS

Sa ika-26 ng Pebrero, muling nagsagawa ng pagbisita sa mga paaralan ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa pamumuno ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman. Sa pamamagitan ng City Information Office, namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng mga FOI poster, na siyang layunin ng pagbisita.
Kabilang sa mga paaralang nakatanggap ng mga poster ang Claret College of Isabela, Inc.; ComTech Institute; Juan S. Alano Memorial School, Inc.; at Furigay College, Inc. Tinatayang 17 na paaralan na sa lungsod ang nabigyan ng mga FOI poster. Sila ang magsisilbing katuwang upang mapalakas pa ang kampanya para sa mas bukas at maayos na pamamahala sa Lungsod ng Isabela.
Nilalayon ng Pamahalaang Lungsod na maisulong ang bukas na pamamahala sa mga kabataan upang maagang mahasa ang kanilang kakayahan at masanay sa pag-access ng pampublikong impormasyon.
Ang programang Freedom of Information ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela ay ipinatutupad alinsunod sa City Ordinance 19-536, o ang ‘Isabela City Transparency Ordinance.’
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

LGU ISABELA COS AT JOS, KALAHOK SA PAGBABALIK NG GOGO ISABELA

Matagumpay na naisagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pampublikong Impormasyon at ng GoGo Advocates, ang pagbabalik ng GoGo (Good Governance) Isabela Training Caravan para sa mga manggagawang COS at JO ng lungsod nitong ika-17 ng Nobyembre. Ginanap ito sa 2nd floor ng Pasangen Commercial Complex

Read More »

TEACHER EDUCATION COUNCIL TAKES PART IN THE 20TH SESSION OF SAKAYAN-KAALAMAN 4.0

The 20th session of Sakayan-Kaalaman 4.0 was successfully held on November 16, 2026, at Westside Elementary School, further advancing the City Government of Isabela’s efforts to promote literacy, education, and the holistic development of young learners. Sakayan-Kaalaman 4.0 is an initiative of City Mayor Hon. Sitti Djalia Turabin-Hataman, brought to

Read More »

YOUNG WOMEN LEADERS GATHER FOR TOWNS 2025 FORUM ON SECURITY

Young women leaders gathered in Isabela City on November 16 for the TOWNS 2025 Young Women Leaders Forum, themed “SECURE HER FUTURE: Building Resilient, Empowered, and Future-Ready Young Women,” held at Chavacano Hall, Kasinnahan Hotel and Resort in Barangay Binuangan. Organized by the TOWNS Post-Search Committee in coordination with the

Read More »