Isang karangalan para sa Lungsod ng Isabela ang makamit ang tatlong CHAMPION AWARDS sa 2026 Layag Awards for Excellence in Local Governance!
Kinilala ang husay, dedikasyon, at malasakit ng ating lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng mga sumusunod na natatanging programa:
HAPIsabela Mobile Library – Isang community-based approach sa pagpapalaganap ng literasiya at pagmamahal sa pagbabasa.
HAPIsabela Youth Raising Voices – Isang programang nagtataguyod ng kamalayan at suporta sa mental health ng ating mga kabataan.
HAPIsabela Barangay Investment Promotion Officer’s Network (IPON) – Isang inisyatibang nagpapalakas sa kakayahan ng mga barangay na isulong ang pamumuhunan at lokal na kaunlaran.
Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng ating mga lingkod-bayan, katuwang na organisasyon, at mga mamamayang patuloy na nakikiisa sa pagsusulong ng mahusay, inklusibo, at makabuluhang pamamahala.

Sa pamumuno ni Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, patuloy nating pinatutunayan na ang tunay na kahusayan sa pamamahala ay nasusukat sa mga programang may konkretong pakinabang at positibong epekto sa buhay ng bawat Isabeleño.
Tatlong kampeonato, iisang layunin—ang patuloy na pag-unlad ng Isabela City at ang mas magandang kinabukasan para sa bawat Isabeleño!





