GOGO ISABELA, NAABOT NA ANG IKA-96 NA SESYON

Umabot na sa ika-96 na sesyon ang GoGo (Good Governance) Isabela Training Caravan β€” ang pangunahing target ng GoGo Isabela kung saan, dinaluhan ito ng isa sa mga mahahalagang sektor sa lungsod: ang 37 Punong Barangays at 37 Barangay Secretaries na ginanap sa Sangguniang Panlungsod (SP) Hall noong ika-21 ng Nobyembre. Ito ang pinakahuling sesyΒ Β Β on na naglalayong ipaalam at ipalaganap ang makabuluhang pagsasanay tungo sa pagkamit ng mabuting pamamahala.
Matatandaan noong ika-29 ng Oktubre na sa buong Rehiyon 9, ang inisyatibang ito ay nabigyan ng parangal bilang kampeon sa kategoryang ‘Citizen Participation’ ng 2025 Regional DILG ‘Layag’ Awards.
Ang pagsasanay ay pinangunahan nina GoGo Volunteer Speaker 1 Miriam Suacito, Executive Director mula sa Nagdilaab Foundation Incorporated, at GoGo Volunteer Speaker 2 Paulo Rick Lataba, Project Development Coordinator mula rin sa nabanggit na ahensiya. Tinalakay ang unang sesyon na sumasaklaw sa demograpiya ng Lungsod ng Isabela, ang mga tungkulin, responsibilidad, at obligasyonΒ ng mga namumuno mula pambansa pababa sa barangay, kabilang ang paglilinaw sa mga maling akala ng mga kalahok.
Ipinaliwanag din kung saan nanggagaling ang pondo ng nasyonal pababa sa pamahalaang lungsod, at detalyadong ibinahagi kung saan ito nahahati-hati para maisagawa ang mga proyekto at programa sa lungsod. Ipinasilip din ang mga proyektong naisagawa sa bagong administrasyon.
Sa pagtatapos ng sesyon, ipinagsama-sama ang mga barangay opisyal base sa kanilang distrito: North, West, East, at Island, kung saan nagkaroon ng aktibidad hinggil sa pananaw nila noon, ngayon, mga pangarap nila sa kani-kanilang komunidad, at ang natutunan sa pagsasanay.
Narito ang mga ‘highlights’ ng kanilang kasagutan:
𝗑𝗒π—₯𝗧𝗛 π——π—œπ—¦π—§π—₯π—œπ—–π—§: “Sa GoGo sesyon, mas lumawak pa ang kaalaman tungkol sa kung saan at magkano ang pondo na nailalaan ng lokal na pamahalaan natin.”
π—ͺπ—˜π—¦π—§ π——π—œπ—¦π—§π—₯π—œπ—–π—§: “Ang natutunan ng West District sa GoGo sesyon ngayon ay ang Transparency, Accountability, at ang Active Citizenry ng mga IsabeleΓ±os.”
π—˜π—”π—¦π—¬ π——π—œπ—¦π—§π—₯π—œπ—–π—§: “Ang natutunan namin sa GoGo sesyon ngayon ay ang implementation ng good governance, ano ang gagawin upang makamit ito at paano maisakatuparan ang good governance. Natutunan din namin paano lumaban sa korapsyon. At ang panghuli, bilang Barangay Leaders or officials, dapat ikaw ay isang ‘servant leader’, ibig sabihin ay inuuna mo at sineserbisyuhan mo ang tao mo.”
π—œπ—¦π—Ÿπ—”π—‘π—— π——π—œπ—¦π—§π—₯π—œπ—–π—§: “Natutunan namin ngayon kung saan napupunta ang budget o ang pondo ng LGU-Isabela at kung gaano kahalaga ang tungkulin at responsibilidad ng mga barangay opisyal.”
Naging posible ang GoGo Isabela Training Caravan kasama ang boluntaryong grupo ng mga aktibong GoGo secretariats at documenter, at iilang mga boluntaryo mula sa Kaya Natin Youth Basilan sa pangunguna ng Pangulo nitong si Qasim Tapsi. (Sulat ni S. Angging, CIO/Kuha ni A. Puti, IsaTV)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

ZFF CONDUCTS FIRST 2,000 DAYS (F2KD) BASELINE FOR ECCD IN ISABELA CITY

The Zuellig Family Foundation (ZFF) Validation Team conducted the baselining activity for the First 2,000 Days (F2KD) Roadmap in Isabela City, through the review and validation of documents based on the indicators in the F2KD tool, held in City Population Management and Development Office (CPMDO), November 11. β€Ž β€ŽThe activity

Read More Β»

ISABELA CITY HOLDS PEOPLE’S BUDGET CONSULTATION TO STRENGTHEN TRANSPARENCY AND PARTICIPATORY GOVERNANCE

The City Government of Isabela held its annual People’s Budget Consultation on November 11, at City Hall Lobby, bringing together Punong Barangays and representatives of Civil Society Organizations (CSOs) to discuss the city’s budget priorities and development initiatives. The consultation provided a platform to present the allocation of the city’s

Read More Β»

VICE MAYOR NIMS AJIBON, LARGA ISABELA BRING LEARNING AND EXCITEMENT TO 18TH SESSION OF SAKAYAN-KAALAMAN 4.0

Under the leadership of Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, the City Government of Isabela, through the City Information Office (CIO), headed by City Information Officer Mendry-Ann Lim, conducted the 18th session of the Sakayan-Kaalaman 4.0 Mobile Library on November 9, at Westside Elementary School. The session was facilitated by Mobile Library

Read More Β»

FROM LOCAL CHALLENGES TO YOUTH-LED SOLUTIONS

Young people have a role in deciding how their communities respond to flooding, waste, and coastal pollution. Supporting their leadership means connecting their ideas with community knowledge, local institutions, and the resources needed to act. This was central to Angat Kalikasan: Youth Environmental Leadership Bootcamp in Basilan, supported by the

Read More Β»

MAYOR DADAH CONVENES SECURITY PRESONNEL FOR MUSEO PANTAN INAUGURATION

Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, together with City Tourism Officer Claudio Ramos II, convened security personnel and representatives of concerned agencies and stakeholders on November 10 to discuss security preparations for the inauguration of Museo PantΓ‘n (Museum of Isabela de Basilan) on November 19. The meeting focused on establishing comprehensive security

Read More Β»