“Sa larangan ng disaster preparedness, pinalakas natin ang emergency response capacity sa pamamagitan ng Menzi Fire Sub-Station at CDRRM Operations Center. Sa tulong ng 65 high-definition CCTV cameras na nagmomonitor sa mga pangunahing kalsada ng lungsod at hyperlocal weather forecasting system na gumagamit ng high-resolution satellite at meteorological data mula sa NASA at iba pang pandaigdigang weather agencies, mas napahusay ang pagsubaybay sa mga insidente at pagbibigay ng localized weather forecasts at impact-based advisories.”

Ito ang isa sa mga mahahalagang pagsulong sa ilalim ng Agenda 2: Safe, Secure, and Resilient Community na ibinahagi ni Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman sa kanyang 2026 State of the City Report na may temang “PAGTIMUK: Pag-aani ng Bunga ng Sama-samang Paglilingkod,” noong Oktubre 22. Sa pamamagitan ng patuloy na pagpapahusay ng mga pasilidad, monitoring systems, at emergency response capabilities, isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela ang isang komunidad na mas handa sa mga sakuna at mas ligtas para sa bawat Isabeleño.





