MAHIGIT 1,500 SENIOR CITIZEN AS LUNGSOD NG ISABELA, NAKATANGGAP NG TULONG-PINANSYAL

Date posted:

Natanggap ng kabuuang 1,517 mga senior citizen ang kanilang ayuda-pinansyal sa ginanap na Senior Citizen Payout noong ika-4 ng Hunyo 4, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (CSWDO) bilang implementasyon ng programa ng DSWD, na may suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela at isinagawa sa 15 barangay sa lungsod.
Pinangunahan ang aktibidad ni CSWDO Nor-Aina Asmara, upang matiyak ang maayos at organisadong pamamahagi ng benepisyo para sa mga nakatatandang mamamayan ng lungsod. Isinagawa ang payout sa kani-kanilang mga kalahok na barangay. Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P3,000, na kumakatawan sa alokasyon para sa unag kwarter ng taong 2026.
Matapos ang pamamahagi sa unang 10 barangay, partikular sa mga baybaying lugar, isinagawa naman noong ika-4 ng Hunyo ang pamamahagi sa natitirang 15 barangay, na hinati sa dalawang iskedyul:
Morning Payout – 9 Barangay
Kabuuang Benepisyaryo: 1,125
▪️Eastside – 129
▪️Kaumpurnah Zone I – 116
▪️Kaumpurnah Zone II – 112
▪️Kaumpurnah Zone III – 105
▪️La Piedad – 94
▪️San Rafael – 141
▪️Tabuk – 195
▪️Riverside – 94
▪️Sumagdang – 139
Afternoon Payout – 6 Barangay
Kabuuang Benepisyaryo: 392
▪️Doña Ramona – 47
▪️Marketsite – 101
▪️Sunrise – 91
▪️Isabela Proper – 36
▪️Port Area – 44
▪️Timpul – 73
Ang Senior Citizens Payout Program ay isang programa ng DSWD na ipinatutupad sa pamamagitan ng CSWDO, na aktibong sinusuportahan ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela para sa kapakanan at kagalingan ng mga nakatatandang mamamayan sa komunidad.
Ang tulong-pinansyal na ito ay nagsisilbing mahalagang dagdag-suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, kabilang ang pagkain, gamot, at iba pang mahahalagang gastusin, patunay ng patuloy na pangako ng DSWD at ng lungsod na kilalanin, pahalagahan, at alagaan ang ating mga senior citizen, at tiyaking natatanggap nila ang suportang tunay nilang nararapat. (Sulat ni S. Angging, CIO/Kuha ni K. Galano, IsaTV)
Scroll to Top