Nagsagawa ng preparatory meeting ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa pangunguna ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman kasama ang mga katuwang na mga ahensya at stakeholders upang talakayin ang mga paghahanda para sa nalalapit na EPR Environmental Summit & Investment Forum 2026 na gaganapin sa Lungsod ng Isabela sa darating na Agosto 18–20.
Tinatayang mahigit 155 delegado at kalahok mula sa iba’t ibang local government units, investors, national government agencies, development partners, pribadong sektor, at iba pang stakeholders ang inaasahang dadalo sa nasabing pagtitipon.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga kinakailangang paghahanda gaya ng seguridad, transportasyon, venue preparations, at iba pang mahahalagang detalye upang matiyak ang maayos at matagumpay na pagdaraos ng summit.
Ang forum ay magsisilbing mahalagang plataporma para sa pagpapalakas ng mga inisyatiba sa solid waste management, environmental sustainability, circular economy, at mga pagkakataon para sa mga pamumuhunan sa rehiyon sa pamamagitan ng inobasyon at pakikipagtulungan.
Bilang pagdarausan, patuloy na ipinapakita ng Lungsod ng Isabela ang kahandaan nitong maging sentro ng mga makabuluhang talakayan at pakikipag-ugnayan tungo sa mas malinis, mas luntian, at mas progresibong kinabukasan.
Dumalo sa pulong ang kinatawan mula sa Mindanao Development Authority, Development Officer II Khristian Kier Alberto, at mula sa DENR-Environmental Management Bureau IX na sina Supervising Environmental Management Specialist Karen Tandang, Environmental Management Specialist I Wendel Lagroma, at Environmental Monitoring Officer April Joy Delos Santos. Naroroon din sina Konsehal Asan Al-Ameen Camlian, CIO Mendry-Ann Lim, SAO Robert Arseña, at mga kinatawan mula sa City Tourism Office, City Agriculture Office, City Planning and Development Office, City General Services Office, at 97.5 RK-FM Nutriskwela Radyo Komunidad. (Kuha ni M. Santos, CIO)
