INORMATION COMMUNICATION OFFICIAL WEB PAGE

News&Updates

BOARD MEMBER AMIN, MAYOR DADAH DISCUSS COMMUNITY DEVELOPMENT INITIATIVES

Basilan First District Board Member Ahmed Ibn Djaliv Hataman paid courtesy visit to Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman on June 1 at Isabela City Hall to discuss initiatives aimed at enhancing educational opportunities and student support services in the province. During the meeting, Mayor Turabin-Hataman and Board Member Hataman discussed programs and concerns affecting local communities and also exchanged insights on strengthening coordination among government institutions and stakeholders to improve public service delivery. Mayor Turabin-Hataman welcomed the visit and emphasized the importance of continued dialogue and cooperation in addressing the needs of constituents. Both officials reaffirmed their commitment to supporting initiatives that promote the welfare and advancement of Basilan.

Read More »
News&Updates

MGA MEDALISTANG SILATIST NG LUNGSOD, PINARANGALAN; MAYOR DADAH, NAKIISA

Taos-pusong pagbati sa mga atletang Isabeleño na nagbigay ng karangalan sa Lungsod ng Isabela at sa Zamboanga Peninsula matapos masungkit ang ilang medalya sa larangan ng pencak silat sa 2026 Palarong Pambansa. Personal na dumalo si Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman sa parangal upang saksihan at makibahagi sa makasaysayang tagumpay ng ating mga kabataang atleta. Ang kanyang presensya ay patunay ng patuloy na suporta ng Pamahalaang Lungsod sa pagpapaunlad ng sports at kabataang Isabeleño. Ipinagmamalaki natin sina: Silver, Pencak Silat Regu Category ALBIYA LUMBATAN (BNHS) KATHLENE MEI TUGA (Begang NHS) MICHELLE JOY BALUCOS (BNHS) SITTI AIZA AIDALA – Silver, Pencak Silat – Secondary Class D – Tanding (Combative) KATHLENE MEI TUGA (Begang NHS) – Bronze, Pencak Silat – Secondary Class A – Tanding (Combative) Gayundin, kinikilala natin ang mahalagang ambag ng kanilang mga tagasanay at chaperon na naging katuwang sa tagumpay na ito. Ang inyong husay, disiplina, at determinasyon ay inspirasyon sa buong Lungsod ng Isabela. Patuloy ninyong pinatutunayan na kayang makipagsabayan ang mga Isabeleño sa Palarong Pambansa. #HAPIsabela #PalarongPambansa2026 #PalaroTuAgsur

Read More »
News&Updates

MAYOR DADAH KINAMUSTA ANG MGA ATLETANG ISABELEÑO SA PALARONG PAMBANSA

Bilang pagpapakita ng patuloy na suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa mga atletang kumakatawan sa lungsod sa Palarong Pambansa 2026, personal na bumisita si Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman sa delegasyon ng Lungsod ng Isabela sa Agusan del Norte, Mayo 29. Sa kanyang pagbisita, nakipagkumustahan ang Alkalde sa mga atleta, coach, at opisyal ng delegasyon, at naghatid ng paghihikayat at inspirasyon habang isinasagawa ang kani-kanilang mga kompetisyon. Patuloy na ipinapaabot ng Pamahalaang Lungsod ang buong suporta at panalangin para sa tagumpay ng ating mga atleta. Anuman ang maging resulta ng kanilang mga laban, sila ay maituturing nang mga kampeon dahil sa kanilang dedikasyon, sakripisyo, at karangalang ibinibigay sa Lungsod ng Isabela. Mabuhay ang ating mga atletang Isabeleño! (Kuha ni M. Santos, CIO) #HAPIsabela #PalarongPambansa2026 #PalaroTuAgsur

Read More »
News&Updates

NAPC, PAMAHALAANG LUNGSOD, PALALAKASIN ANG MGA PROGRAMA KONTRA KAHIRAPAN

Nagsagawa ang Pambansang Komisyon Laban sa Kahirapan (NAPC), sa pangunguna ni Usec. Esnaen Catong, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela na pinamumunuan ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, ng isang Technical Coordination Meeting kaugnay ng pagbabalangkas ng Magna Carta of the Poor–Local Poverty Reduction Action Plan (MCP-LPRAP) para sa lungsod, Mayo 28. Layunin ng aktibidad na pagtibayin ang koordinasyon ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan upang mas maging epektibo ang pagpapatupad ng mga programang pangkabuhayan at serbisyong panlipunan. Isinagawa rin ang pagpupulong bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng lokal na pamahalaan ng mga programang nakatuon sa inclusive development at pagbabawas ng kahirapan sa komunidad. Pinangunahan ni Usec. Catong ang talakayan hinggil sa mga plano, estratehiya, at interbensyon na makatutulong sa pagtugon sa mga hamon ng kahirapan sa lungsod. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pinaigting na inter-agency coordination upang matiyak na makarating ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan sa mga sektor na higit na nangangailangan. Dinaluhan ang pagpupulong ng mga pinuno at kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang lungsod, kabilang sina Tagapamahala ng Lungsod Pedrito Eisma, Hepe ng LEDIPO Jaime Juanito Rivera, PDAO Gemma Paculio, CPDC Gay Palagtiosa, mga kinatawan mula sa City Information Office, City Health Office, City Engineering Office, City Social Welfare and Development Office, City Population Management and Development Office, at DILG FOU Isabela City CLGOO Arnel Alvarez. Inaasahang magsisilbing mahalagang hakbang ang aktibidad tungo sa mas komprehensibo at inklusibong mga inisyatiba para sa pagbabawas ng kahirapan para sa mga mamamayan ng lungsod. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO) #HAPIsabela #AHappyAndDignifiedLifeforAll #GoodGovernanceWorks

Read More »
News&Updates

NAKIKIISA ANG LUNGSOD NG ISABELA SA PAGGUNITA NG PAMBANSANG ARAW NG WATAWAT 2026

Nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pamumuno ni Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, sa paggunita ng Pambansang Araw ng Watawat 2026 mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12 bilang pagbibigay-pugay sa kasaysayan, kabayanihan, at pagmamahal sa bayan na kinakatawan ng watawat ng Pilipinas. Taglay ng pagdiriwang ngayong taon ang temang “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan,” na nagbibigay-diin sa mahalagang ugnayan ng ating pakikibaka para sa kasarinlan, sa hangarin nating magkaroon ng mas maunlad na bukas, at sa patuloy na pagpapahalaga sa mayamang kasaysayan ng bansa. Nagsimula ang paggunita noong Mayo 28 bilang pag-alala sa makasaysayang Labanan sa Alapan noong 1898, kung saan unang iwinagayway ni Emilio Aguinaldo ang watawat ng Pilipinas matapos magtagumpay ang mga rebolusyonaryong Pilipino laban sa hukbong Espanyol sa Imus, Cavite. Ang makasaysayang pangyayaring ito ay naging sagisag ng pag-asa, pagkakaisa, at matatag na hangarin ng sambayanang Pilipino para sa kalayaan. Sa pagdiriwang ng Pambansang Araw ng Watawat, hinihikayat ng Pamahalaang Lungsod ang bawat Isabeleño na patuloy na igalang at buong dangal na itampok ang watawat ng Pilipinas bilang simbolo ng katapangan, pagkakabuklod, at pagmamahal sa bayan. Nawa’y magsilbi itong paalala sa mga sakripisyong inialay ng ating mga ninuno at sa ating sama-samang tungkulin na pangalagaan ang kinabukasan ng bansa. Mabuhay ang watawat ng Pilipinas. Mabuhay ang sambayanang Pilipino. #Kalayaan2026 #NationalFlagDays2026 #HAPIsabela #AHappyAndDignifiedLifeforAll #GoodGovernanceWorks

Read More »
News&Updates

EID’L ADHA 1447 AH

Libo-libong mananampalataya mula sa iba’t ibang bahagi ng Isabela City at karatig-lugar ang nagtipon sa Isabela City Grandstand ngayong umaga para sa sama-samang pagdaraos ng Salatu Eid’l Adha 1447 AH. Pinangunahan nina Imam Dr. Aboulkhair S. Tarason, Pangulo ng Basilan Ulama Supreme Council, at Khatib Dr. Abunnapis O. Abdulmajid, SCL ng National Commission on Muslim Filipinos at Basilan Ulama Supreme Council, ang makabuluhang pagdiriwang na sumasalamin sa diwa ng pananampalataya, sakripisyo, pagsunod, at malasakit sa kapwa. Ang Eid’l Adha ay hindi lamang paggunita sa dakilang sakripisyo ni Prophet Ibrahim (AS), kundi paalala rin ng kahalagahan ng pagkakaisa, kapayapaan, at pagtutulungan bilang isang komunidad. Sa gitna ng taimtim na panalangin at pagninilay, muling nasilayan ang lakas ng pananampalataya at pagkakabuklod ng sambayanang Muslim sa Lungsod ng Isabela. Maligayang Eid’l Adha sa ating mga kapatid na Muslim. Nawa’y magdulot ito ng kapayapaan, biyaya, at pag-asa sa bawat pamilya at sa buong pamayanan. #HAPIsabela #AHappyAndDignifiedLifeforAll

Read More »
Scroll to Top