BION PATROL | SOLIDARIDAD-IDP FOUNDATION
Matagumpay na isinagawa ng SOLIDARIDAD-IDP Foundation, sa pamumuno ni Sister Ma. Valentina Rebollos, OP (Project Manager), ang programang “Illiterate Parents and Youth Orientation” na naglalayong magbigay ng kaalaman, paggabay, at pag-asa sa mga magulang at kabataan ng komunidad nitong ika-6 ng Mayo. Bilang bahagi ng kanilang patuloy na adhikain sa edukasyon at kabataan, namahagi rin ang foundation ng 99 backpack bags para sa mga batang may sponsor bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase. Ang simpleng handog na ito ay malaking inspirasyon upang higit pang ganahan ang mga kabataan sa kanilang pag-aaral. Lubos namang nagpapasalamat ang mga opisyal ng barangay sa pangunguna ni Kapitan Ahmad L. Hamad sa walang sawang suporta, malasakit, at serbisyong ipinapakita ng SOLIDARIDAD-IDP Foundation sa komunidad. Ang inyong kabutihan at dedikasyon ay tunay na nagbibigay-liwanag at pag-asa sa bawat pamilya at kabataan. Maraming salamat sa inyong patuloy na paglilingkod! (Ulat at larawan ni BIO Patroller Mujib Abbas ng Barangay Marang-Marang) #HAPIsabela #IsangBuhayNaMaligayaAtMarangalParaSaLahat
BION PATROL | SOLIDARIDAD-IDP FOUNDATION Read More »










