BION PATROL – BARANGAY CARBON

Hindi naging hadlang ang maagang oras para sa mga “early birds” ng Barangay Carbon upang isagawa ang kanilang nakasanayang paglilinis ng komunidad nitong ika-3 ng Mayo. Sa ilalim ng direktiba ni Punong Barangay Jaitun Magalona Danial, nakiisa ang mga Barangay Health Workers (BHW), Sangguniang Kabataan (SK), at iba pang mga volunteer sa proyektong “Clean and Green.”
‎​Masayang nakiisa ang bawat isa sa gawaing ito, bitbit ang paniniwalang ang kalinisan ng kapaligiran ay direktang konektado sa kalusugan ng bawat indibidwal. Ang nasabing aktibidad ay bahagi na ng regular na routine ng barangay upang mapanatili ang magandang ambiance at kaayusan ng lugar.
‎​Dahil sa maayos na pamamahala at aktibong kooperasyon ng mga residente, patuloy na namamayani ang kapayapaan at pagkakaisa sa Barangay Carbon. Inaasahan na ang ganitong tradisyon ng bayanihan ay magpapatuloy para sa mas maunlad at masiglang ugnayan ng bawat mamamayan.
‎(​Ulat ni BIO Jacebel Jumah at larawan mula sa BNS ng Barangay Carbon)

Like this article?

Share on Facebook
Share on Twitter
Share on Linkdin
Share on Pinterest

Leave a comment

[fbcomments]

Recent Post

Scroll to Top