Ramdam na ramdam na ang nalalapit na kapistahan ng “Our Lady of Fatima” sa Barangay Busay!
Bilang bahagi ng paghahanda, personal na pinangunahan nina Punong Barangay Ron Alvarez at SK Chairman Clinton Labrador ang pagkakabit ng mga makukulay na buntings sa paligid ng kapilya ng barangay.
Hindi rin nagpahuli sa pagtulong ang mga kabataan ng Barangay Busay na nakiisa sa pagpapaganda at paghahanda ng dekorasyon. Ang pagtutulungan ng mga opisyal ng barangay at ng Sangguniang Kabataan (SK) ay naglalayong bigyan ng masigla at debosyonal na kapaligiran ang mga parokyano at residente para sa darating na selebrasyon.
Ipinapakita ng gawaing ito ang matibay na ugnayan ng mga pinuno at ng kabataan sa pagpapanatili ng mga tradisyon at pagkakaisa sa kanilang komunidad.
(Ulat at larawan mula kay BIO Patroller Rowena Reston ng Barangay Busay)
#IsangBuhayNaMaligayaAtMarangalParaSaLahat
