SA IKA-PITONG TAON NG EID SOPRESA

Sa ika-pitong taon ng EID Sorpresa, muling ipinamalas ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pamumuno ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Basilan sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Mujiv Hataman, ang tunay na diwa ng Hariraya—pagmamahalan, pagkakaisa, at malasakit, Marso 21.
Bilang bahagi ng selebrasyon, nagtungo ang mga kinatawan ng Pamahalaang Lungsod, kasama ang masisipag na Kaya Natin Youth volunteers, sa iba’t ibang barangay tulad ng Marang-Marang, Port Area, Timpul, Kaumpurnah Zone I, Kaumpurnah Zone III, at Menzi upang maghatid ng saya at sorpresa sa mga residente. Sa pamamagitan ng kanilang aktibong partisipasyon, lalong naging makabuluhan at masigla ang pag-abot ng tulong at pagbabahagi ng saya sa komunidad.
Ang EID Sorpresa ay isa sa mga flagship programs ng Pamahalaang Lungsod na isinasagawa tuwing pagtatapos ng Ramadan. Layunin nitong magbigay ng kagalakan sa mga Isabeleñong Muslim, lalo na sa mga kapatid nating higit na nangangailangan. Ayon kay Punong-lungsod Turabin-Hataman, mahalagang maipadama ang simpleng pagbati ng “Eid Mubarak” sa bawat tahanan. Gayunpaman, dahil sa limitadong kakayahan, mas binibigyang prayoridad ang mga pamilyang mas nangangailangan sa mga napiling barangay.
Lubos ding nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa mga naging katuwang at sponsors ng EID Sorpresa 2026, na walang sawang sumusuporta sa mga programang naglalayong maghatid ng saya at pag-asa sa komunidad:
• Pamahalaang Panlalawigan ng Basilan sa pangunguna ni Gobernador Mujiv Hataman
• Hideout Pastries and Catering Services
• Barracks Printing and Office Supplies
• Chooks-to-Go
• Joveth’s Eatery
• Shukran Store
• Bohe’s Water Refilling Station
• Solo Mart
• AA Minimart
• EC Gas
• Pahali Resort
• Cakes Bakeshop
Nawa’y ang munting handog na ito ay nagbigay ng ngiti at init sa puso ng bawat pamilyang ating napuntahan sa isang napakahalagang araw ng pagdiriwang.
Ang EID Sorpresa ay higit pa sa isang tradisyon—ito ay patunay na sa Lungsod ng Isabela, walang naiiwan, at ang bawat isa ay bahagi ng isang komunidad na nagmamahalan, nagtutulungan, at nagkakaisa.

Like this article?

Share on Facebook
Share on Twitter
Share on Linkdin
Share on Pinterest

Leave a comment

[fbcomments]

Recent Post

Your City Government at Work!

 

Other Links:

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
All content is in the public domain unless otherwise stated.

 

 

Feedback Form
Privacy Policy

 

 

Contact numbers/Trunk lines:
8734-74-20 | 8734-59-66 Local 134

HOTLINES
PDRRMC: (977) 668- 6702
CDRRM: (997) 778- 8881
Isabela City Police Station:
(917) 701- 3250
Isabela City Fire Station:
(956) 738- 8015

ABOUT GOVPH
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.

GOV.PH
Official Gazette
Open Data Portal

GOVERNMENT LINKS
The President
Office of the President
Office of the Vice President
Senate of the Philippines
House of Representatives
Supreme Court
Court of Appeals
Sandiganbayan

© 2023 All Rights Reserved | Office of the City Mayor

Scroll to Top