Ngayong ika-26 na araw ng Ramadan, pinangunahan nina Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman at Basilan Governor Mujiv Hataman ang isang pa-iftar para sa mga nagbebenta sa Pasangan Commercial Complex at kanilang mga kapamilya, nitong Lunes, Marso 16.
Ang sama-samang pag-aayuno at pag-aiftar ay sumasalamin sa diwa ng pagkakaisa, malasakit, at pagbabahagi sa panahon ng banal na buwan ng Ramadan, habang patuloy na kinikilala ang mahalagang papel ng mga maliliit na negosyante sa pag-usbong ng lokal na ekonomiya at komunidad. 
