KAALAMAN AT PANANAMPALATAYA: TAGUMPAY NG ISLAMIC VALUES SA GRAND FINALS NG 5 PILLARS OF ISLAM QUIZ SHOW

Isang makasaysayang gabi ng kaalaman, pananampalataya, at pagkakaisa ang nasaksihan sa Grand Finals ng kauna-unahang Basilan-wide 5 Pillars of Islam Quiz Show, noong Biyernes ng gabi, ika-28 ng Pebrero sa Basilan People’s Capitol, Sta. Clara, Lamitan City.
Hindi lamang ito isang kompetisyon — ito ay isang paalala na ang ating mga haligi ng Islam ay hindi basta kaalaman na dapat kabisaduhin, kundi mga prinsipyong dapat isabuhay sa araw-araw.
Taos-pusong pagbati sa ating mga nagwaging murid ng mga iba’t ibang madaris:
🥇 Champion – Mahad Geras
🥈 1st Runner-Up – Mahad Mabarakat
🥉 2nd Runner-Up – Bliss Educational Center
🥉 3rd Runner-Up – Masjid Jamie
Nakatanggap ang bawat team ng cash prizes na dinagdagan pa ni People’s Governor Mujiv S. Hataman.
Ang bawat mag-aaral ng Madaris ay nagpakita ng lalim ng pag-unawa sa Iman, Salah, Zakah, Sawm, at Hajj — mga pundasyon na humuhubog sa ating pagkatao bilang mga Muslim at nagpapatatag sa ating komunidad.
Sa pamamagitan ng ganitong mga gawain, mas napapalalim ang ating kaalaman, napalalakas ang ating īmān, at naipapasa sa susunod na henerasyon ang kahalagahan ng pamumuhay na nakaugat sa tunay na Islamic values.
Patuloy nating isabuhay ang mga aral ng ating pananampalataya — hindi lamang sa entablado ng kompetisyon, kundi sa bawat aspeto ng ating buhay.

Like this article?

Share on Facebook
Share on Twitter
Share on Linkdin
Share on Pinterest

Leave a comment

[fbcomments]

Recent Post

Your City Government at Work!

 

Other Links:

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
All content is in the public domain unless otherwise stated.

 

 

Feedback Form
Privacy Policy

 

 

Contact numbers/Trunk lines:
8734-74-20 | 8734-59-66 Local 134

HOTLINES
PDRRMC: (977) 668- 6702
CDRRM: (997) 778- 8881
Isabela City Police Station:
(917) 701- 3250
Isabela City Fire Station:
(956) 738- 8015

ABOUT GOVPH
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.

GOV.PH
Official Gazette
Open Data Portal

GOVERNMENT LINKS
The President
Office of the President
Office of the Vice President
Senate of the Philippines
House of Representatives
Supreme Court
Court of Appeals
Sandiganbayan

© 2023 All Rights Reserved | Office of the City Mayor

Scroll to Top