MAGSASAKA NG LUKBUTON, NAGSANAY SA COCONUT-BASED INTEGRATED ORGANIC AGRICULTURE PRODUCTION

Matagumpay na isinagawa ng City Government of Isabela, sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD) Unit, katuwang ang EarthSoul Agri-Techno Farm Institute, Inc. na pinamumunuan ni G. Ibno D. Turabin, ang Graduation Ceremony ng mga trainees ng Training on Coconut-Based Integrated Organic Agriculture Production noong Enero 29, 2026 sa Kabbun Pandoga Farm Resort, Lukbuton, Isabela City, Basilan.

Ang seremonyang ito ay nagsilbing pagtatapos ng 10-araw na masinsinang pagsasanay na isinagawa mula Enero 19 hanggang Enero 29, 2026, kung saan ang mga kalahok ay hinasa sa kaalaman at kasanayan sa organikong pagsasaka na nakabatay sa niyog bilang isang napapanatiling kabuhayan.

Sa kanyang mensahe ng suporta, binigyang-diin ni City Mayor Sitti Djalia A. Turabin-Hataman ang kahalagahan ng organikong agrikultura sa pagpapalakas ng kabuhayan ng mga Isabeleños. Ayon sa alkalde, nawa’y maging kapaki-pakinabang ang mga kaalamang natutunan ng mga trainees at magsilbing tulay ito sa mas matatag na hanapbuhay, gayundin ang pag-oorganisa ng isang kooperatiba sa larangan ng organikong pagsasaka sa hinaharap.

Bilang patunay ng kanilang pagsisikap at dedikasyon, ginawaran ng mga sertipiko ang mga trainees na matagumpay na nakatapos ng pagsasanay. Sa kanilang pagbabahagi, ipinahayag ng mga kalahok ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa oportunidad at nangakong ipagpapatuloy at isasabuhay ang mga kaalamang kanilang natutunan upang mapanatili ang makakalikasang pamamaraan ng pagsasaka.

Sa kanyang pangwakas na pananalita, ibinahagi ni City Information Officer at GAD Focal Person, Bb. Mendry-Ann A. Lim na layunin ng programang ito ang paggamit at pagpapayaman ng lokal na organikong agrikultura, upang sa hinaharap ay hindi na kinakailangang umangkat o bumili pa ng mga produktong agrikultural mula sa ibang lugar, kundi magkaroon ng sariling sapat at sustenableng produksyon ang lungsod.

Ang aktibidad na ito ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng City Government of Isabela at ng mga katuwang nitong institusyon na isulong ang sustainable agriculture, seguridad sa pagkain, at pangmatagalang kaunlaran ng komunidad.

#HAPIsabela

#AHappyAndDignifiedLifeForAll

#GoodGovernanceWorks

Like this article?

Share on Facebook
Share on Twitter
Share on Linkdin
Share on Pinterest

Leave a comment

[fbcomments]

Recent Post

Your City Government at Work!

 

Other Links:

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
All content is in the public domain unless otherwise stated.

 

 

Feedback Form
Privacy Policy

 

 

Contact numbers/Trunk lines:
8734-74-20 | 8734-59-66 Local 134

HOTLINES
PDRRMC: (977) 668- 6702
CDRRM: (997) 778- 8881
Isabela City Police Station:
(917) 701- 3250
Isabela City Fire Station:
(956) 738- 8015

ABOUT GOVPH
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.

GOV.PH
Official Gazette
Open Data Portal

GOVERNMENT LINKS
The President
Office of the President
Office of the Vice President
Senate of the Philippines
House of Representatives
Supreme Court
Court of Appeals
Sandiganbayan

© 2023 All Rights Reserved | Office of the City Mayor

Scroll to Top