BAGONG HEALTH STATION NG LAMPINIGAN, PINASINAYAAN

Pormal na pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pamumuno ni Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman, ang bagong tayong Barangay Health Station sa isla ng Lampinigan noong ika-28 ng Mayo.
Pinondohan sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD) Fund ng lungsod, ang proyekto na nagkakahalaga ng P2,498,527.23 ay naglalayong palakasin ang pagbibigay ng pangunahing serbisyong pangkalusugan sa nasabing lugar. Ipinapakita ng inisyatibong ito ang matibay na paninindigan ng kasalukuyang administrasyon sa pagbibigay ng abot-kaya, inklusibo, at dekalidad na serbisyong pangkalusugan, lalo na sa mga kapuluan ng lungsod.
Dumalo sa aktibidad ang mga opisyal mula sa Barangay ng Lampinigan na pinangungunahan ni Punong Barangay Aksan Hamad, kasama ang mga kinatawan mula sa Tanggapan ng Kalusugan, Tanggapan ng Inhinyeriya, mga Barangay Health Workers, at mga komadrona.
Inaasahang makatutulong ang bagong pasilidad sa pagbibigay ng mahahalagang serbisyo tulad ng pangangalaga sa ina, pagbabakuna, edukasyong pangkalusugan, at iba pang batayang interbensyong medikal—na tiyak na magpapabuti sa pangkalahatang kalusugan ng mga residente ng Lampinigan. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)

Like this article?

Share on Facebook
Share on Twitter
Share on Linkdin
Share on Pinterest

Leave a comment

[fbcomments]

Recent Post

Your City Government at Work!

 

Other Links:

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
All content is in the public domain unless otherwise stated.

 

 

Feedback Form
Privacy Policy

 

 

Contact numbers/Trunk lines:
8734-74-20 | 8734-59-66 Local 134

HOTLINES
PDRRMC: (977) 668- 6702
CDRRM: (997) 778- 8881
Isabela City Police Station:
(917) 701- 3250
Isabela City Fire Station:
(956) 738- 8015

ABOUT GOVPH
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.

GOV.PH
Official Gazette
Open Data Portal

GOVERNMENT LINKS
The President
Office of the President
Office of the Vice President
Senate of the Philippines
House of Representatives
Supreme Court
Court of Appeals
Sandiganbayan

© 2023 All Rights Reserved | Office of the City Mayor

Scroll to Top