Sa pakikiisa sa ating mga kapatid na Muslim sa banal na paggunita ng Buwan ng Ramadhan, namahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Isabela na pinamumunuan ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, katuwang ang Tanggapan ng Turismo Lokal sa pamumuno ni CTO Claudio Ramos II, ng Ramadhan Iftar Packs sa iba’t ibang lokal na samahan sa lungsod ngayong Marso 12 sa James Walter Strong Boulevard. Ang inisyatibang ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Nestlé Philippines/Primus Ventures Nestlé Distributor sa pangangasiwa ni BASULTA Region Field Sales Manager Rose Marie De Castro.
Layunin ng programang ito na magbigay suporta sa mga Muslim na pamilya at sektor sa lungsod bilang pagkilala at paggalang sa kanilang tradisyon at pananampalataya. Sa kabuuan, nakatanggap ng Ramadhan Iftar Packs ang 350 miyembro ng Bangkero Association, 100 mula sa Marang-Marang Women’s Association, 25 mula sa Bajau Women Weavers Association of Tampalan, 30 mula sa Tennun Weavers Association of Kapatagan Grande, 18 mula sa Sta. Barbara Women’s Association, at 30 mula sa Nito and Bamboo Makers ng Maligue.
Dumalo rin sa aktibidad sina Konsehal James Abner Rodriguez, Jeromy Casas, Yusop Abubakar, at Karel Annjaiza Sakkalahul, Punong Barangay ng Lukbuton na ai Jashim Tiplani at Barangay Menzi Kagawad Marilyn Aguinid.
Ang programang ito ay patunay ng malasakit at inklusibong pamamahala ng administrasyong Turabin-Hataman, na patuloy na nagsusulong ng mga inisyatibang tumutugon sa pangangailangan ng iba’t ibang sektor sa lungsod. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)