Sa pangunguna ni Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman, naghandog ang pamahalaang lokal ng iftar, Marso 10, bilang pakikiisa sa banal na buwan ng Ramadan.
Dumalo ang alkalde at nakibahagi sa bukah kasama ang mga empleyado at mamamayan, bilang pagpapakita ng suporta sa pananampalataya at kultura.
Nagsimula ang libreng iftar sa City Hall noong ika-6 ng Marso at bukas naman ang LGU sa sinumang may-gustong mag-ambag ng pagkain o donasyon upang mas marami ang makakasalo sa bawat araw ng Ramadan. (Kuha ni M. Santos, CIO)