Pinangunahan ni Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman ang iftar na isinagawa ng lokal na pamahalaan noong Marso 12 bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng banal na buwan ng Ramadan.
Kasama niyang dumalo at nakiisa sa bukah sina Konsehal Yusop Abubakar, Jeromy Casas, at James Abner Rodriguez. Naroon din sina La Piedad Punong Barangay Dion Rey Mon, Lukbuton Punong Barangay Jashim Tiplani, Menzi Barangay Kagawad Marilyn Aguinid, at iba pang kinatawan mula sa Basilan Unity Party, pati na rin ang iba pang panauhin bilang pagpapahayag ng suporta sa pananampalataya at kultura.
Ang libreng iftar sa City Hall ay sinimulan noong Marso 6, at bukas ang LGU sa sinumang nais magbigay ng pagkain o donasyon upang mas maraming tao ang makinabang sa bawat araw ng Ramadan. (Kuha ni M. Santos, CIO)