Pinangunahan ni Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman ang isinagawang iftar ng lokal na pamahalaan noong Marso 11 bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng banal na buwan ng Ramadan.
Dumalo at nakiisa sa bukah ang alkalde kasama sina Konsehal Yusop Abubakar, Karel Annjaiza Sakkalahul, Jeromy Casas, James Abner Rodriguez at ilang pang kasamahan mula sa Basilan Unity Party at iba pang panauhin, bilang pagpapahayag ng pakikiisa sa pananampalataya at kultura.
Sinimulan ang libreng iftar sa City Hall noong ika-6 ng Marso, at bukas ang LGU sa sinumang nais magbigay ng pagkain o donasyon upang mas maraming tao ang makabahagi sa bawat araw ng Ramadan. (Kuha ni M. Santos, CIO)