Isinailalim sa masusing imbestigasyon ng Department of Health-Regional Epidemiology and Surveillance Unit (DOH-RESU) ang Barangay Kaumpurnah Zone I matapos makapagtala ng pagtaas ng kaso ng dengue at Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD).
Bilang tugon, nagsagawa ang barangay ng sabayang clean-up drive noong ika-5 ng Marso, upang puksain ang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok. Kasabay nito, isinagawa rin ang spraying at paglalagay ng larvicide bilang bahagi ng mga kemikal na interbensyon upang maiwasan ang pagdami ng lamok sa lugar.
Pinapaalalahanan ang mga residente na makipag-ugnayan sa City Health Office o kay Punong Barangay Jaider Jundam kung nais magpa-spray sa kanilang mga tahanan para sa mas agarang aksyon.
(Ambagang ulat at mga larawan mula kay BION Patroller Aliya Andaya, at BHW na sina Sheng Lama at Sitrina Buddiman ng Barangay Kaumpurnah Zone I)