Sa ika-26 ng Pebrero, muling nagsagawa ng pagbisita sa mga paaralan ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa pamumuno ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman. Sa pamamagitan ng City Information Office, namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng mga FOI poster, na siyang layunin ng pagbisita.
Kabilang sa mga paaralang nakatanggap ng mga poster ang Claret College of Isabela, Inc.; ComTech Institute; Juan S. Alano Memorial School, Inc.; at Furigay College, Inc. Tinatayang 17 na paaralan na sa lungsod ang nabigyan ng mga FOI poster. Sila ang magsisilbing katuwang upang mapalakas pa ang kampanya para sa mas bukas at maayos na pamamahala sa Lungsod ng Isabela.
Nilalayon ng Pamahalaang Lungsod na maisulong ang bukas na pamamahala sa mga kabataan upang maagang mahasa ang kanilang kakayahan at masanay sa pag-access ng pampublikong impormasyon.
Ang programang Freedom of Information ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela ay ipinatutupad alinsunod sa City Ordinance 19-536, o ang ‘Isabela City Transparency Ordinance.’