Isang Organic Agriculture Production Training ang nilahukan ng 30 lokal na magsasaka at may-ari ng maliliit na lupa, kung saan 10 ay lalaki at 20 ay babae, mula sa mga barangay ng Lumbang, Maligue, Makiri, Masola, at Sumagdang mula ika-17 hanggang ika-26 ng Pebrero.
Ang pagsasanay na ito ay bahagi ng programa ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa ilaliim ng pamamahala ni Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman sa pakikipagtulungan ng Tanggapan ng Agrikultura (CaGO), Yunit para sa Kasarian at Kaunlaran (GAD Unit) at Earth Soul Agri Techno Farm Institute, Inc. (Sulat ni E. Banding-Hadjala/Kuha ni K. Galano, IsaTV)