MGA MADARIS TEACHERS SA LUNGSOD, NAKILAHOK SA GOGO ISABELA CARAVAN

Ang (Good Governance) Isabela Training Caravan ay patuloy na nagpapalaganap ng makabuluhang impormasyon nito ukol sa mabuting pamamahala kung saan, umabot na sa ika-24 na target nitong sektor. Dinaluhan ng 100 na mga aktibong guro ng madaris sa Lungsod ng Isabela ang nasabing pagtitipon na ginanap sa Pasangen Commercial Complex (PCC), ika-11 ng Pebrero.
Pinangunahan ito ng mga aktibong GoGo speakers at kapwang mga nars na sina Barbette Jane Baclay, Community Health Developer mula sa Global Missions Project, at Jeanette Climaco-Rojas, Human Rights Advocate.
Ilan sa mga natutunan at naging komento ng mga kalahok ay ang mga sumusunod:
“Umbul dambuwa, si meh kaguruhan duk kamuridan, mag toh kite daran si lalan pakahapan duk kasanyangan. Ikaduwe nen, niya takite ku kahapan si Isabela, hap ne lalan ten, ubus niya ne koitu palabeyan meh bohe in, lissin ne. Asal niya ne kahapan si Isabela hin sababan pamarinta Mayor in. Alhamdulillah niya pagbabago duk development si Isabela City.”
“Ang malaking akala ko noon, ang administrasyon ngayon ay walang magagawa, pero maling akala lang pala iyon. Nakita ko na ngayon sa administrasyon ng local government, maraming pagbabago sa Isabela City. Kung nakita natin ang Madrasah noon, hindi masyadong maayos. Pero ngayon, maraming salamat sa Isabela City Madrasah Association, tinutukan po ito ni Mayor. Doon nagkaroon po kami nang badyet at binigay po sa amin. Malaking tulong po iyon.”
“Noon, sa ating kinauupuan ngayon, hindi pa ito PCC, ‘Maranao’ pa ito. Pero dahil sa administrasyon ng Mayor, gumanda na at naging PCC na ito. Dalawang story na. Sa akin lang, gusto kong ipaabot sa ating mahal na Mayora na sana ipagpatuloy niya po ang tungkulin niya bilang isang Mayor. Hindi po dahil Muslim ako or Christian, pero dahil nakikita ko na pantay-pantay ang pagbibigay niya ng serbisyo. Wala man akong masyadong maitulong sa kanya pero nakikita ko na marami siyang naitulong sa Isabela City.”
“Natutunan po namin ngayon is akala namin, mga politician lang dapat makaalam sa budget ng Isabela City. Pero dahil dito sa GoGo program, may karapatan pala tayong Isabeleño na malaman kung saan napupunta ang budget ng gobyerno. May transparency, trustworthy, at equity sa budget.”
Kasama sa nasabing pagsasanay ang aktibo at boluntaryong grupo ng GoGo secretariats na pinangunahan nina Jham-Jham Kalbi, Elvic John Obedencia, April Winny Baclay, at Erika Joy Bautista na kabilang ang GoGo documenter nitong si Qasim Tapsi.
Layunin ng GoGo Isabela Caravan na bigyan ng impormasyon at kaalaman ang mga Isabeleños patungkol sa mabuting pamamahala, kung saan ipinabatid sa kanila kung ano ang dapat na tungkulin at paano pumili ng mabuti at maayos na lider, magkano ang pondo ng lokal na pamahalaan at paano maaaring bantayan ng mga mamamayan ang kaban ng bayan at higit sa lahat kung paano dapat singilin ang mga lider na binoto ng mga Isabeleño tungo sa mabuting pamamahala. (Sulat ni S. Angging, IsaTV/Kuha ni Q. Tapsi, GoGo Documenter)

Like this article?

Share on Facebook
Share on Twitter
Share on Linkdin
Share on Pinterest

Leave a comment

Comments

Recent Post

RAMADHAN LECTURE SERIES

The City Government of Isabela, under the leadership of Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, in collaboration with the Isabela City Muslim Employees Association (ICMEA), continues its Ramadhan Lecture Series, March 20,

March 21, 2025

MAYOR DADAH LEADS IFTAR WITH MUSLIM LGU EMPLOYEES

Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman joined employees of the City Government for an iftar, March 20. Organized by the Office of the City Mayor, City Human Resource Management Office and the

March 21, 2025

CAPACITY DEVELOPMENT-COMPUTER ESSENTIAL TRAINING FOR WOMEN

In celebration of National Women’s Month, the City Government of Isabela, under the leadership of Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, successfully concluded the Basic Computer Literacy Training for Barangay Nutrition Scholars

March 21, 2025

700 WOMEN PARTICIPATE IN CITY’S ‘DENDAH DAY SUMMIT’

The City Government of Isabela, through the City Social Welfare and Development Office (CSWDO) headed by Nor-aina Asmara in collaboration with the Public Employment Services Office (PESO) led by PESO

March 21, 2025

NEW ISABELA CITY BION OFFICERS, TAKE OATH

Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman formally administered the oath of office newly appointed officers of the Barangay Information Officers Network (BION), marking a step in strengthening grassroots communication and community engagement.

March 21, 2025

Your City Government at Work!

Other Links:

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
All content is in the public domain unless otherwise stated.

 

 

Feedback Form
Privacy Policy

 

 

Contact numbers/Trunk lines:
8734-74-20 | 8734-59-66 Local 134

HOTLINES
PDRRMC: (977) 668- 6702
CDRRM: (997) 778- 8881
Isabela City Police Station:
(917) 701- 3250
Isabela City Fire Station:
(956) 738- 8015

ABOUT GOVPH
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.

GOV.PH
Official Gazette
Open Data Portal

GOVERNMENT LINKS
The President
Office of the President
Office of the Vice President
Senate of the Philippines
House of Representatives
Supreme Court
Court of Appeals
Sandiganbayan

© 2023 All Rights Reserved | Office of the City Mayor

Scroll to Top