Umabot sa halagang P426,720 ang naipaabot sa 112 Isabeleños na benepisyaryo ng TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) mula sa 45 barangay ng Lungsod ng Isabela noong ika-8 ng Pebrero.
Ang nasabing pondo ay kinuha mula sa congressional funds ng tanggapan ni Kongresista Mujiv Hataman. Sa ilalim ng programang TUPAD, at sa pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa pamumuno ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, katuwang ang Tanggapan ng Serbisyo sa Pampublikong Empleo (PESO) at Kagawaran ng Paggawa at Empleo – Lungsod ng Isabela (DOLE-ICFO), ang bawat benepisyaryo ay nabigyan ng pansamantalang trabaho sa loob ng 10 araw na may kabuuang P3,810 na sweldo. (Sulat ni E. Banding-Hadjala, IsaTV/Kuha ni M. Santos, CIO)


