Umabot na sa 19 na target nitong sektor ang GoGo (Good Governance) Isabela Training Caravan kung saan, dinaluhan ito ng 125 na mga manggagawa sa Pasangen Commercial Complex (PCC) at Wet Market na mula sa Tanggapan ng Pangkalahatang Serbisyo ng Lungsod, na ginanap mismo sa PCC, ika-29 ng Enero.
Pinangunahan ng mga aktibong GoGo ispikers na sina Barbette Jane Baclay, isang nars at Community Health Developer mula sa Global Missions Project, at Margarita Auxtero, dating Executive Director mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry-Isabela City, ang pagsasanay tungo sa mabuting pamamahala.
Ilan sa mga natutunan at naging komento ng mga kalahok ay ang mga sumusunod:
“Unang una sa lahat, nagpapasalamat po tayo sa GoGo Isabela dahil dito, tayo pong lahat na walang alam, mayroon man pero konti lang. Pero nang dahil sa GoGo, namulat ang ating isip at puso, nang dahil dito sa GoGo caravan, nalaman natin ang problema at paano tumatakbo ang gobyerno para sa ikagaganda at future ng Isabela at ng ating mga anak. Dito rin natin nalaman ang mga problema sa pera, yung mga guni-guni natin, yung nakaw dito, nakaw doon, naliwagaan na tayo ngayon. Sa mga workers, sinabi na nila ang mga problema at pangangailangan. Sana, ang hiling natin sa GoGo, ang medikal na ayuda dahil yun po ang kailangan natin ngayon.”
“𝙉𝙖𝙜𝙩𝙖𝙩𝙧𝙖𝙗𝙖𝙝𝙤 𝙥𝙤 𝙖𝙠𝙤 𝙨𝙖 𝙁𝙪𝙚𝙜𝙤-𝙁𝙪𝙚𝙜𝙤 𝙗𝙚𝙖𝙘𝙝. 𝙄𝙩𝙤 𝙥𝙤 𝙈𝙖’𝙖𝙢, 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙞𝙩𝙤 𝙠𝙖𝙨𝙞𝙣𝙪𝙣𝙜𝙖𝙡𝙞𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙙𝙖𝙝𝙞𝙡 𝙣𝙖𝙧𝙞𝙧𝙞𝙣𝙞𝙜 𝙥𝙤 𝙣𝙖𝙢𝙞𝙣 𝙞𝙩𝙤 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙩𝙖𝙤 𝙣𝙖 𝙫𝙞𝙨𝙞𝙩𝙤𝙧𝙨. 𝙎𝙖𝙗𝙞 𝙥𝙖 𝙣𝙞𝙡𝙖, “𝘼𝙣𝙜 𝙡𝙞𝙣𝙞𝙨-𝙡𝙞𝙣𝙞𝙨 𝙩𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖 𝙣𝙜 𝙁𝙪𝙚𝙜𝙤-𝙁𝙪𝙚𝙜𝙤 𝙣𝙤.” 𝙎𝙤, 𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙠𝙞𝙣𝙜𝙜𝙖𝙣 𝙠𝙖𝙨𝙚 𝙨𝙮𝙚𝙢𝙥𝙧𝙚, 𝙠𝙖𝙢𝙞 𝙣𝙖𝙜𝙡𝙞𝙡𝙞𝙣𝙞𝙨 𝙣𝙤’𝙣. 𝙇𝙖𝙝𝙖𝙩 𝙩𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖 𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙤, 𝙖𝙥𝙥𝙧𝙚𝙘𝙞𝙖𝙩𝙚 𝙣𝙞𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝙜𝙤𝙫𝙚𝙧𝙣𝙢𝙚𝙣𝙩. 𝙋𝙚𝙧𝙤 𝙮𝙪𝙣, 𝙢𝙖𝙨𝙖𝙧𝙖𝙥 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙠𝙞𝙧𝙖𝙢𝙙𝙖𝙢 𝙣𝙖 𝙢𝙖𝙧𝙞𝙣𝙞𝙜 𝙮𝙪𝙣.”
“Noon, marumi at maraming basura. Dati, nakikita natin na delay ang pagkuha ng mga basura kasi kulang sa pansin sa maintenance. Ngayon, meron na at hindi na gaano karumi. Kakaunti na lamang ang basura. Sana bukas, mapanatili na ang kalinisan ng Isabela. Sana bukas, mabigyan ng pansin ang katulad naming mga utility workers. Kase nakikita naman natin na improved yung mga gamit namin. At ngayon, nalaman namin sa GoGo Isabela ang National at Local Budget at sana madagdagan ang budget ng Isabela.”
“Hindi ba tayo nagbago ngayon? Tignan ninyo ang mga proyekto natin, may pagbabago. Ikalawa, tignan ninyo, marami na ang katulad nating mga mahihirap na nagkaroon na ng trabaho. Masaya ako dahil nagkaroon ako ng trabaho. Ikatlo, noon, ang Isabela madumi at yung daanan papuntang Tabiawan, madilim. Pero ngayon, may mga streetlights na sa highway papuntang Fuego-Fuego. Kahit maglakad pa kayo sa labas papuntang Fuego-Fuego dahil maliwanag na talaga.”
Kasama sa nasabing pagsasanay ang aktibo at boluntaryong grupo ng GoGo secretariats na pinangunahan nina Jham-Jham Kalbi, Elvic John Obedencia, Qasim Tapsi, at Erika Joy Bautista na kabilang ang GoGo documenter nitong si Marha Adilon.
Layunin ng GoGo Isabela Caravan na bigyan ng impormasyon at kaalaman ang mga Isabeleños patungkol sa mabuting pamamahala, kung saan ipinabatid sa kanila kung ano ang dapat na tungkulin at paano pumili ng mabuti at maayos na lider, magkano ang pondo ng lokal na pamahalaan at paano maaaring bantayan ng mga mamamayan ang kaban ng bayan at higit sa lahat kung paano dapat singilin ang mga lider na binoto ng mga Isabeleño tungo sa mabuting pamamahala. (Sulat ni S. Angging/Kuha ni J. Segovia, IsaTV)