Sa patuloy na pagroronda ng GoGo (Good Governance) Isabela Training Caravan, umabot na ito sa ika-sampung target nitong sektor kung saan, nakilahok ang 100 na mga aktibong Lesbians-Gays-Bisexuals-Transman/Transwoman-Queer-Intersex-Asexual (LGBTQIA+) mula sa Isabela City na ginanap sa 2nd floor ng Pasangen Commercial Complex (PCC), ika-28 ng Disyembre.
Sina Margarita Auxtero, Executive Director mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry-Isabela City, at Vidalyn Tinay, guro mula sa Begang National High School ang nagsilbing mga GoGo ispikers para sa pagsasanay tungo sa mabuting pamamahala.
Ilan sa mga natutunan at naging komento ng mga kalahok ay ang mga sumusunod:
“𝙈𝙖𝙡𝙖𝙠𝙞 𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙞𝙩𝙪𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙣𝙜 𝙂𝙤𝙂𝙤 𝙄𝙨𝙖𝙗𝙚𝙡𝙖 𝘾𝙖𝙧𝙖𝙫𝙖𝙣 𝙙𝙖𝙝𝙞𝙡 𝙞𝙩𝙤 𝙥𝙤 𝙖𝙮 𝙥𝙖𝙜𝙥𝙖𝙥𝙖𝙝𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖 𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙜𝙗𝙞𝙗𝙞𝙜𝙖𝙮 𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙢𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙜𝙤𝙗𝙮𝙚𝙧𝙣𝙤 𝙣𝙜 𝙄𝙨𝙖𝙗𝙚𝙡𝙖 𝘾𝙞𝙩𝙮. 𝘽𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙇𝙂𝘽𝙏𝙌𝙄𝘼 𝙢𝙚𝙢𝙗𝙚𝙧, 𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙞𝙨 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙨𝙖 𝙞𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙜𝙤𝙗𝙮𝙚𝙧𝙣𝙤 𝙖𝙮 𝙩𝙖𝙥𝙖𝙩, 𝙩𝙧𝙖𝙣𝙨𝙥𝙖𝙧𝙚𝙣𝙘𝙮, 𝙖𝙩 𝙮𝙪𝙣𝙜 𝙨𝙞𝙣𝙖𝙨𝙖𝙗𝙞 𝙣𝙞𝙡𝙖 𝙣𝙖, “𝘼 𝙜𝙤𝙤𝙙 𝙡𝙚𝙖𝙙𝙚𝙧 𝙘𝙖𝙣 𝙝𝙖𝙫𝙚 𝙖 𝙜𝙤𝙤𝙙 𝙛𝙤𝙡𝙡𝙤𝙬𝙚𝙧”.
“Akala namin noon, binubulsa lang ng gobyerno ang mga pera, like akala namin, kino-corrupt. Yun pala, napaglalaan na ito pagpapatayo ng iba’t ibang gusali sa Isabela City, walang lider na nag-ahon sa Isabela City noon pero ngayon, meron na tayong lider tungo sa mabuting pamamahala.”
“Ang Isabela noon especially sa mga IPs at LGBTQIA+ ay hindi nakikilala, minamarginalize lang tayo, maraming diskriminasyon, maraming nada-downgrade, at nakakaranas din kami noon ng violence. Ngayon, nakikita ko na ang mga IPs ay may mga selebrasyon na sa kanilang pagkakakilanlan, ang LGBTQIA+ naman ay pinapahalagahan na, less discrimination na, at na memention na ang mga magaganda nating ginagawa. Ngayon, since maunlad naman ang Isabela City, kaya dapat mag expect tayo sa future na mas uunlad pa ang Isabela City.”
“Dapat ang pamahalaan ay may interconnectedness, kumbaga, alam nila kung ano ang nangyayari sa atin, alam nila kung ano ang gusto natin, at alam nila kung anong karapatan meron tayo bilang isang mamamayan. Kung meron isang lider na nakikilala tayo, gumagawa ng kabutihan at nakikita ang halaga na meron tayo, gagawa din tayo na ikakabuti ng ating komunidad. Kung may magandang layunin ang pamahalaan, meron ding magagawang mabuti ang mamamayan.”
“Noon, kami pong mga LGBTQIA+ ay nakakaranas ng pambu-bully, hindi po kami napapakinggan, sinusuntok, sinisipa, at kinukutya po kami. Noon nga may mga namamatay at binabaril. Pero ngayon, may mga professionals na po sa LGBTQIA+ na hinahangaan ng mga youth ngayon. Hindi lang po kami mga bakla ‘lang’, kaya po namin gawin ang ginagawa ng mga babae at lalake. Bukas, nang dahil din dyan sa ‘Sexual Orientation Program sa Gender Sensitivity’ ay mas lalo po kaming nakikilala because I believe, if the youth of Isabela City and the government work hand-in-hand, I know it’s not about the ending, but it’s the beginning of new life and new generation.”
“Ang naranasan po naming mga LGBTQIA+ noon ay diskriminasyon, less opportunities sa mga job po, na leleft behind kami dahil sinasabi nila na, “Ano ba ang kakayahan ng mga LGBTQIA+?”, dun palang, gusto namin ipakita kung ano ang aming makakaya. Ngayon, we are slowly known as LGBTQIA+ dahil kaya na natin makipagsabayan na dahil sa magandang pamahalaan ng Isabela City. Nabigyan po tayo ng boses, nabigyan na po tayo ng karapatan para maipakilala sa lahat kung sino tayo. Dahil dito, naniniwala ako na kung may magandang puso ang lider sa Isabela City, ay magbubunga ito ng magandang kinabukasan para sa lahat.”
“I have a lot of learnings talaga sa GoGo Caravan like from the different types of government, kung ano na ba ang mga nagawa ng pamahalaan, ang importansiya ng gobyerno at mamamayan sa komunidad. Bilang miyembro ng LGBTQIA+ sa Isabela City, nais ko lang sabihin na ‘Be one of Us’, dapat may unity, pakikisama, at nakikilahok tayo. Maganda po ang ganitong caravan kase hindi na tayo mangmang kase marami na po tayong nalaman lalo na kung saan napupunta at nalalaan ang budget, may transparency.”
Kasama sa nasabing pagsasanay ang aktibo at boluntaryong grupo ng GoGo secretariats na pinangunahan nina Jham-Jham Kalbi, Qasim Tapsi, Diola Balambao, at Erika Joy Bautista na kasama ang GoGo documenter nitong si Marha Adilon.
Layunin ng GoGo Isabela Caravan na bigyan ng impormasyon at kaalaman ang mga Isabeleños patungkol sa mabuting pamamahala, kung saan ipinabatid sa kanila kung ano ang dapat na tungkulin at paano pumili ng mabuti at maayos na lider, magkano ang pondo ng lokal na pamahalaan at paano maaaring bantayan ng mga mamamayan ang kaban ng bayan at higit sa lahat kung paano dapat singilin ang mga lider na binoto ng mga Isabeleño tungo sa mabuting pamamahala. (Sulat ni S. Angging/Kuha ni K. Galano, IsaTV)


