Patuloy pa rin ang pagroronda ng GoGo (Good Governance) Isabela Training Caravan kung saan, umabot na ito sa ika-20 na target nitong sektor na dinaluhan ng 100 na mga grupo ng fish vendors ng Wet Market sa lungsod na ginanap mismo sa Wet Market, ika-29 ng Enero.
Pinangunahan pa rin ang pagsasanay tungo sa mabuting pamamahala ng mga aktibong GoGo ispikers na sina Barbette Jane Baclay, isang nars at Community Health Developer mula sa Global Missions Project, at Margarita Auxtero, dating Executive Director mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry-Isabela City.
Ilan sa mga natutunan at naging komento ng mga kalahok ay ang mga sumusunod:
“𝙄𝙗𝙖𝙣𝙜-𝙞𝙗𝙖 𝙩𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙤𝙤𝙣 𝙨𝙖 𝙣𝙜𝙖𝙮𝙤𝙣. 𝙉𝙜𝙖𝙮𝙤𝙣 𝙠𝙖𝙨𝙚, 𝙙𝙖𝙝𝙞𝙡 𝙠𝙖𝙮 𝙈𝙖𝙙𝙖𝙢 𝘿𝙖𝙙𝙖𝙝, 𝙣𝙜𝙖𝙮𝙤𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙄𝙨𝙖𝙗𝙚𝙡𝙖, 𝙬𝙖𝙡𝙖 𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙨𝙪𝙧𝙖, 𝙢𝙖𝙜𝙖𝙣𝙙𝙖 𝙣𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙢𝙖𝙧𝙠𝙚𝙩 𝙩𝙪𝙡𝙖𝙙 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙋𝘾𝘾 𝙖𝙩 𝙒𝙚𝙩 𝙈𝙖𝙧𝙠𝙚𝙩 𝙣𝙖 𝙥𝙞𝙣𝙖𝙜𝙗𝙚𝙗𝙚𝙣𝙩𝙖𝙝𝙖𝙣 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣. 𝙏𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜𝙖𝙣𝙙𝙖 𝙣𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙄𝙨𝙖𝙗𝙚𝙡𝙖.”
“Akala ko noon, wala na talagang pagbabago ang Isabela City. Noon kase, yung palengke natin gawa pa sa kahoy. Subalit ngayon, nakikita na natin ang kagandahan ng Isabela City, at may improvement na talaga. Ngayon, malaki at malinis na ang Public, PCC Wet Market namin. Napakalaki na ng budget natin dahil may improvement na sa ating mga eskwelahan, sa mga market katulad dito sa sa ating Wet Market, ang ganda na. Kaya kung marunong ang namumuno, malaki talaga ang porsyento na pagbabago at progreso sa Isabela.”
“Natutunan po namin ngayon sa GoGo training ay kung paano budget-in ang pera ng gobyerno sa tama at tsaka saan nagmula ang pera. Yung trabaho din ng mga lider nabanggit at yung pagmamahal nila sa bayan. Maganda talaga ang GoGo programa na ito dahil para malaman ng karamihan kung saan talaga napupunta ang budget. Dahil sa programa ngayon nalaman na namin saan ginagastos ng tama ang pera ng bayan.”
Kasama sa nasabing pagsasanay ang aktibo at boluntaryong grupo ng GoGo secretariats na pinangunahan nina Jham-Jham Kalbi, April Winny Baclay, Elvic John Obedencia, at Qasim Tapsi na kabilang ang GoGo documenter nitong si Marha Adilon.
Layunin ng GoGo Isabela Caravan na bigyan ng impormasyon at kaalaman ang mga Isabeleños patungkol sa mabuting pamamahala, kung saan ipinabatid sa kanila kung ano ang dapat na tungkulin at paano pumili ng mabuti at maayos na lider, magkano ang pondo ng lokal na pamahalaan at paano maaaring bantayan ng mga mamamayan ang kaban ng bayan at higit sa lahat kung paano dapat singilin ang mga lider na binoto ng mga Isabeleño tungo sa mabuting pamamahala. (Sulat ni S. Angging/Kuha ni J. Segovia, IsaTV)