MGA BENEPISYARYO NG IMLAP-SGA, NAGLUNSAD NG KIOSK-PANDAGDAG-KITA

Pinangunahan ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang paglulunsad ng IMLAP Kiosk, isang inisyatibo ng Islamic Microfinance Livelihood Assistance Program-Support Group Organization, ika-6 ng Enero, na ginanap sa Pasangan Commercial Complex. Ang proyektong ito ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Tanggapan ng Serbisyo sa Pampublikong Empleo (PESO), na tumulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagsasanay, at ng Microfinance Team.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Alkalde Turabin-Hataman ang kahalagahan ng mga inisyatibang nagmumula sa komunidad tulad ng IMLAP Kiosk sa pagtugon sa mga hamon sa ekonomiya at sa pagsusulong ng sustenableng pag-unlad. Pinuri niya ang organisasyon sa kanilang malikhaing at praktikal na pamamaraan ng pag-transforma ng mga posibleng pagkalugi bilang mga oportunidad para sa pag-unlad.
Mag-aalok ang IMLAP Kiosk ng sariwang prutas na inumin at mga meryenda, na nagtataguyod ng masustansya at abot-kayang pagkain para sa publiko. Ang inisyatibong ito ay hindi lamang tumutulong upang mabawasan ang pagkasira ng mga prutas sa pamamagitan ng paggamit ng mga hinog na prutas na malapit nang masira, kundi nagbibigay din ito ng panibagong mapagkukunan ng kita para sa asosasyon.
Ang IMLAP Kiosk ay isang patunay kung paano maaaring mapalakas ng mga microfinance program ang mga lokal na komunidad upang masulit ang mga mapagkukunan, tugunan ang mga hamon sa ekonomiya, at isulong ang sustenableng mga negosyo. Nagsisilbi itong modelo kung paano ang mga maliliit na inisyatiba ay maaaring magdala ng malaking epekto sa pagsusulong ng inklusibo at sustenableng pag-unlad. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)

Like this article?

Share on Facebook
Share on Twitter
Share on Linkdin
Share on Pinterest

Leave a comment

Comments

Recent Post

SERBISYONG MEDIKAL-DENTAL, ISINAGAWA; PAGBUBUKAS NG MALAMAWI SUPER HEALTH CENTER, NALALAPIT NA

Ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Kalusugan (CHO), ay matagumpay na nagsagawa ng serbisyong medikal-dental, ika-29 ng

April 30, 2025

MALAMAWI NATIONAL HIGH SCHOOL NABS QUIZABELA 5.0 CHAMPIONSHIP

𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗪𝗜 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗡𝗔𝗕𝗦 𝗤𝗨𝗜𝗭𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔 𝟱.𝟬 𝗖𝗛𝗔𝗠𝗣𝗜𝗢𝗡𝗦𝗛𝗜𝗣 | In line with the 24th Cityhood Anniversary of the Local Government Unit of Isabela City through the initiative of City Tourism

April 29, 2025

ISABELA CITY CHAMPIONS SOLO PARENTS’ RIGHTS THROUGH COMMUNITY OUTREACH AND SUPPORT ACTIVITIES

The City Government of Isabela under the administration of Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, through the City Social Welfare and Development Office (CSWDO), successfully conducted the "Empowering Solo: Orientation for Stronger

April 29, 2025

FILIPINO FOOD MONTH COMES TO A CLOSE AS LGU EMPLOYEES CLASH IN SAKAYAN COOK FEST

As part of the celebration of the 24th Cityhood Anniversary of Isabela and the 2025 Sakayan Festival, the Bene ya KUSIna: The LGU Employees Cooking Contest gathered on April 28,

April 29, 2025

LGU-ISABELA CITY SOFT-LAUNCHES PRJECT ZERO AT KAUMPURNAH ELEMENTARY SCHOOL

The City Government of Isabela, under the administration of Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, officially soft-launched Project ZERO: Waste, Chemical, and Hunger on April 28 at Kaumpurnah Elementary School. Organized by

April 29, 2025

Your City Government at Work!

Other Links:

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
All content is in the public domain unless otherwise stated.

 

 

Feedback Form
Privacy Policy

 

 

Contact numbers/Trunk lines:
8734-74-20 | 8734-59-66 Local 134

HOTLINES
PDRRMC: (977) 668- 6702
CDRRM: (997) 778- 8881
Isabela City Police Station:
(917) 701- 3250
Isabela City Fire Station:
(956) 738- 8015

ABOUT GOVPH
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.

GOV.PH
Official Gazette
Open Data Portal

GOVERNMENT LINKS
The President
Office of the President
Office of the Vice President
Senate of the Philippines
House of Representatives
Supreme Court
Court of Appeals
Sandiganbayan

© 2023 All Rights Reserved | Office of the City Mayor

Scroll to Top