Bilang bahagi ng tradisyong Pamaskong Handog 2024 na sinimulan ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman mula nang siya’y maupo bilang punong lungsod, ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela ay nagsimula nang mamahagi ng mga panghanda sa mga pamilyang Kristiyano sa mga barangay ng Doña Ramona at Kaumpurnah Zones I-III, ika-10 ng Disyembre, kasabay ng nalalapit na Kapaskuhan.
Ang inisyatibong ito ay may katumbas na programa tuwing buwan ng Ramadhan, kung saan ang mga Muslim na sambahayan ay nakakatanggap din ng food packs, bilang simbolo ng dedikasyon ng lungsod sa pagkakaisa at pagkakabuklod ng magkakaibang mga komunidad.
Ang mga Pamaskong Handog Packs, na maingat na inihanda at inilagay sa mga pasadyang eco-friendly na bag, ay naglalaman ng:
macaroni pasta
gatas kondensada
fruit cocktail
keso
spaghetti pasta
spaghetti sauce
corned beef
Ang programang ito ay patuloy na nagpapakita ng malasakit ng lokal na pamahalaan sa bawat pamilya, anuman ang kanilang relihiyon, at sumasalamin sa hangaring magbigay ng saya at kaginhawahan tuwing panahon ng kapistahan. (Kuha ni KJ Evardo, IsaTV)