Ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa ilalim ng pamumuno ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, katuwang ang Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD), ay isinagawa ang 4th Quarter Social Pension Payout para sa mga senior citizens ng Barangay Marang-Marang, ika-5 ng Disyembre.
Ang inisyatibang ito ay isinasagawa sa pangunguna ng CSWDO upang matiyak na ang mga senior citizens sa iba’t ibang barangay ay makatatanggap ng P3,000 na halaga ng tulong-pinansyal. Ang pag-abot ng ayudang ito ay paraan upang makatulong sa mga pangunahing pangangailangan ng mga nakatatanda sa Lungsod ng Isabela. (Sulat ni E. Banding-Hadjala, IsaTV/Kuha ni Mujib Abbas, BIO-Marang-Marang)