Nakatanggap ng kanilang communication allowance para sa ikatlong kwarter ng taon ang 45 Barangay Information Officers ng Lungsod ng Isabela, ika-29 ng Nobyembre, mula sa Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa ilalim ng administrasyon ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin sa pamamagitan ng Tanggapan ng Impormasyong Pampubliko (CIO) sa pangunguna ni CIO Mendry-Ann Lim katuwang si BION Focal Patrina Turabin.
Bilang bahagi rin ng programa, namahagi si FOI Focal Shermina Sualling ng FOI tarpaulins upang ipaskil ng bawat Barangay Information Officer sa kani-kanilang barangay.
Matatandaan na ang Lungsod ng Isabela ang kauna-unahan sa buong Rehiyon IX na nakapagtatag ng Barangay Information Officers Network alinsunod na rin sa tagubilin ni Punong-Lungsod Turabin-Hataman na gawing haligi ang impormasyong pampubliko ng serbisyo ng Pamahalaang Lungsod. (Sulat ni E. Banding/Kuha ni M. Santos, CIO)