Ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa ilalim ng pamumuno ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, katuwang ang Tanggapan ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (DSWD), ay isinagawa ang 3rd Quarter Social Pension Payout para sa mga senior citizens mula Setyembre 17-19.
Ang inisyatibang ito ay isinasagawa sa pangunguna ng CSWDO upang masiguro na ang mga senior citizens sa iba’t ibang barangay ay makakatanggap ng kinakailangang tulong pinansyal.
Kasama sa mga barangay na saklaw ng unang pamamahagi ay ang Balatanay, Makiri, Kumalarang, Kapayawan, Lumbang, Kapatagan Grande, Small Kapatagan, Masola, Calvario, Panunsulan, Maligue, Aguada, Baluno, Begang, Menzi, Cabunbata, Binuangan, Busay, at Lanote. Kabuuang 1,754 senior citizens mula sa mga barangay na ito ang nakinabang sa programa, kung saan bawat isa ay nakatanggap ng tatlong libong piso (P3,000). Sa kabuuan, P5,262,000 ang inilaan para sa pamamahagi ngayong quarter upang makatulong sa mga pangunahing pangangailangan ng mga nakatatanda sa Lungsod ng Isabela. (Sulat ni SJ Asakil, CIO/Kuha ni KJ Evardo, IsaTV)