Ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pangunguna ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, ay agad na tumugon sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Ferdie. Sa utos ni Punong Lungsod Turabin-Hataman, ang Tanggapan ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (CSWDO) ay mabilis na nagmobilisa upang magbigay ng tulong gaya ng mga food packs, sleeping kits, at hygiene kits sa mga pamilyanmg nasalanta ng bagyo sa Barangay Tampalan noong ika-16 ng Setyembre.
Kasama rin ang personal na pagbisita ng alkalde sa mga apektadong komunidad sa Barangay Panigayan, Baluno, at Begang upang masuri ang sitwasyon at tiyakin na mabibigyan ng suporta ang mga residente.
Ang maagap na pamumuno ni Alkalde Turabin-Hataman ay naging susi sa mabilis at maayos na pagtugon sa kalamidad, na lubos na pinasasalamatan ng mga pamilyang nasalanta. Patuloy na pinapakita ng lungsod ang kanilang kahandaan sa mga sakuna at kanilang hangarin na magpatuloy sa pagbuo ng isang mas matibay at handang komunidad para sa hinaharap. (Sulat ni SJ Asakil, CIO/Kuha ni J. Segovia, IsaTV)