Personal na inabot ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, kasama ang mga tauhan ng Tanggapan ng Serbisyo ng Pampublikong Empleyo o PESO na pinangungunahan ni Tagapamhala ng PESO Aradelria Belleng, ang pagpapamahagi ng ika-6 na cycle ng IMLAP-SGA, ika-6 ng Setyembre. Nasa 54 na benepisyaryo ang tumanggap ng tulong na nagkakahalaga ng kabuuang P1,470,000, kung saan ang repayment rate para sa ika-5 cycle ay umabot sa 99.32%.
Layunin ng inisyatibang ito na palakasin ang mga lokal na negosyante at indibidwal sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kinakailangang mga mapagkukunan at pinansyal na suporta upang simulan o palawakin ang kanilang mga negosyo. Sa pamamagitan ng mga programang ito, ipinapakita ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela ang kanyang dedikasyon sa pag-unlad sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan upang matiyak na lahat ng Isabeleño ay may pantay-pantay na pagkakataon na umunlad at makibahagi sa mga benepisyo ng paglago ng lokal na ekonomiya. (Sulat ni R. Natividad-Sarael/Kuha ni M. Santos, CIO)