Sa kauna-unahang Bench Cheering Competition para sa selebrasyon ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela ng Buwan ng Serbisyo Sibil, nanaig ang mga kalahok mula Klaster 1 o ang Tanggapan ng Pangkalahatang Serbisyo (City General Services Office) at Klaster 4 na binubuo ng Tanggapan ng Punong Lungsod at Tanggpan ng Tagasuri ng Pagtutuos (City Accounting Office). Ginanap ang kompetisyon para sa pagdiriwang ng ika-124 Anibersaryo ng Serbisyo Sibil sa Pilipinas.
Samantalang pumangalawa naman ng Klaster 6 na kinabibilangan ng Tanggapan ng Inhinyeriya (City Engineering Office) at Tanggapan ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (CSWDO). Mag-uuwi ng tig-20 libong pisong papremyo ang mga kampeon ng Bench Cheering Competition.
Suot ang kanilang kahi-halinang kasuotan, ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang husay sa sabayang paggalaw at pagbigkas ng kaaya-ayang tunog na talagang binigyang pansin ng mga hurado maging ang mga nakiisang higit isang libong empleyado ng pamahalaang lokal. (Kuha ni KJ Evardo, CIO)