Ipinagpatuloy ang bakbakan sa basketball ng iba’t ibang koponan na kasali sa LGU-Isabela City Sportsfest, ika-29 ng Agosto, bilang bahagi ng selebrasyon ng Buwan ng Serbisyo Sibil ngayong Setyembre.
Sa unang laban, nagtagumpay ang Klaster 4 (OCM, CAcO) laban sa Klaster 6 (CEO, CSWDO). Samantala, sa ikalawang laban, nanaig ang Klaster 7 (CVO, CBO, PESO, CPDMO) kontra sa Klaster 3 (CAgO, CTO, CTrO, CLO).
Ang mga palarong ito ay inilunsad ng Tanggapan ng Pamamahala ng Yamang-Tao (CHRMO) sa ilalim ng pamumuno ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman upang ipakita ang galing at talento ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod at patatagin ang samahan at pakikisama ng bawat isa. (Sulat ni KJ Lim/Kuha ni JM Gamao, IsaTV)