Pinangunahan ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang pagpasinaya ng bagong-tayong Barangay Hall ng Port Area, ika-29 ng Agosto, na pinamumunuan ni Punong Barangay Mahamud Joe.
Ang nasabing gusali, na may halagang P3,495,182.95, ay hindi lamang simbolo ng pisikal na progreso kundi pati na rin ng patuloy na pagtutok ng lokal na pamahalaan sa pagpapabuti ng pasilidad at serbisyo para sa mga residente ng barangay.
Ito ay magsisilbing sentro ng mga aktibidad ng pamayanan, kung saan ang mga residente ay maaaring magtungo para sa iba’t ibang pangangailangan, mula sa mga simpleng transaksyon hanggang sa mga mahahalagang pulong at pagtitipon. Ang seremonya ay dinaluhan ng opisyal ng barangay, mga miyembro ng komunidad, at mga kawani ng lokal na pamahalaan. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)