Bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan ngayong taon, matagumpay na isinagawa ang oryentasyon ng Mindanao Young Leaders Programme (MinYLP) sa mga kabataang Isabeleño, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Lokal na Kalinangang Pagkabataan o Local Youth Development Office na pinangungunahan ni LYDO Levina Jarejolne, ika-28 ng Agosto.
Ang Mindanao Young Leaders Programme (MinYLP) ay isang programa para sa pagpapalakas ng kapasidad ng mga kabataang lider mula sa mga civil society groups. Taon-taon, sampung kalahok ang pinipili upang higit pang paunlarin ang kanilang kaalaman, kasanayan, at tiwala sa sarili bilang mga lider upang mag-ambag sa napapanatili at mapayapang pag-unlad ng kanilang mga komunidad at ng rehiyon ng Mindanao sa pangkalahatan.
Ang grupo mula MinYLP ay kinabibilangan nina Vince Durie, Mark Penalver, Lexy Yonson, at Bam Immid.
Personal na bumisita ang MinYLP upang sana’y magkaroon tayo ng mga kabataang lider mula sa Lungsod ng Isabela o Lalawigan ng Basilan na magiging bahagi ng MinYLP at magiging kinatawan ng ating lugar. Mahigit 30 na kabataang Isabeleño ang dumalo sa nasabing kaganapan. (Sulat ni KJ Lim/Kuha ni KJ Evardo, IsaTV)