ARTA BAGONG PILIPINAS TOWNHALL, GINANAP SA LUNGSOD NG ISABELA

Ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa pamumuno ni Direktor Heneral Kalihim Ernesto Perez, sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Isabela sa pangunguna naman ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ay nagsagawa ng ARTA Bagong Pilipinas Townhall, ika-16 ng Agosto. Dinaluhan ito ng mga opisyales ng 45 barangay ng lungsod.
Layunin ng nasabing hunta na isulong ang kaalaman ng mga lider ng lokal na pamahalaan sa mga tampok na probisyon ng Ease of Doing Business Act na ipinaliwanag ni Atty. John Raphael Nadonza ng ARTA Western Mindanao.
Sa kanyang talumpati bilang Keynote Speaker, binigyang-diin ni Kalihim Perez ang kahalagahan ng modernisasyon ng mga proseso sa gobyerno. Pinuri niya ang Lungsod ng Isabela bilang kauna-unahang LGU sa buong Basilan at pang-51 sa buong Pilipinas na nagpatupad ng e-BOSS.
“This is a very remarkable achievement, the first in the province of Basilan, the 51st out of more than 1,500 LGUs to be commended. You even surpassed cities in the NCR like Makati, Las Piñas, Taguig, Caloocan, Pasig—you got ahead of them. Truly, it’s time, and that time has begun here in the City of Isabela. Today, we honor Isabela City for establishing an electronic business one-stop shop.” ayon pa kay Sec. Perez.
Aniya, ito ay isang kahanga-hangang tagumpay sa layuning makapagbigay ng mabilis at maayos na serbisyo, alinsunod sa direktiba ng pangulo na gawing streamlined at digitalized ang lahat ng transaksyon ng gobyerno. Bunga nito ang mas maraming pagpaparehistro ng negosyo at mas mataas na kita para sa LGU, na nagpapalakas ng tiwala ng publiko at nagtataguyod ng pagiging bukas at pananagutan sa pamahalaan.
Tampok rin sa aktibidad ang personal na pag-abot ni Kalihim Perez ng e-BOSS (Electronic Business-One-Stop Shop) Plaque of Commendation kay Alkalde Turabin-Hataman para sa Lungsod ng Isabela. Kasama rin sa mga pinarangalan ng ARTA ay ang mga tanggapan ng DILG, DICT, DTI, at BFP sa rehiyon.
Nagpahayag naman ng mensahe ng suporta si FSINSP Vincent Toribio na kinatawanan si FCSUPT Jerry Candido na Direktor Panrehiyon ng
Kawanihan ng Tagapangalaga Laban sa Sunog (BFP) IX. Ayon pa sa kanya, ipinagmamalaki ng BFP IX ang pakikilahok sa inisyatibang Electronic Business One-Stop Shop (e-BOSS) na umaayon sa kanilang mandato na gawing mas maayos ang mga proseso at tiyakin ang kaligtasan ng komunidad. Ipinagmalaki niya na ang Himpilan ng Bumbero sa Lungsod ng Isabela ang kauna-unahang istasyon sa buong Zamboanga Peninsula na nagpatupad ng online payment para sa mga bayaring tinakda ng Fire Code, na nagpapadali sa mga transaksyon at nagpatibay ng kanilang mga tungkulin laban sunog.
Samantala, nagpasalamat si Alkalde Turabin-Hataman sa lahat ng tumulong upang makamit ang parangal na ito mul sa ARTA Central at Regional Office at iba pang mga ahensya na kalahok gaya ng DILG, BFP, DTI, at DICT, lalung-lalo na sa Business Permits and Licensing Office (BPLO) sa pamumuno ni Albert Porticos at Hepe ng LEDIPO Jaime Juanito Rivera. Ito ay sinundan ng isang audio-visual presentation na naglalaman ng mga programa at serbisyong nagawa ng lokal na pamahaalan sa ilalim ng kanyang administrasyon mula 2019 hanggang ngayon.
Sinundan ang ARTA Town Hall Meeting ng isang Media Conference na dinaluhan naman nina ARTA Sec. Perez, Alkalde Turabin-Hataman at DICT Basilan Head Michael Jolo.
Ayon kay Alkalde Turabin-Hataman, naging posible rin ang parangal na ito dahil sa mga katuwang ng pamahalaang lokal gaya ng Land Bank sa kanilang Link.Biz portal integration system kung saan ay maaari nang magbayad ng online. Gayundin, ang BFP IX ay nagawang padaliin ang proseso sa pamamagitan ng integrasyon ng Fire Safety Inspection Certificate fee sa eBOSS kung saan ang mga negosyante sa lungsod ay hindi na kailangan magpabalik-balik para sa kinakailangan na dokumento.
Umaasa ang alkalde na sa mga pagbabago at mga sistema ng digitalisasyon na ito ay makikilala ang lungsod bilang isang pook na kanais-nais para negosyo at pamumuhunan sa rehiyon.
Matatandaan na noong ika-31 ng Hulyo, nagsagawa ang ARTA IX ng komprehensibong inspeksyon sa pamahalaang lokal upang suriin ang mga pamamaraan ng transaksyon, citizen’s charter, at pagpapatupad ng e-BOSS. Layunin nitong tiyakin ang pagsunod sa mga regulasyon laban sa red tape at ipatupad ang digitalized na paghahatid ng serbisyo. Sa nasabing pagsisiyasat, pinuri rin ng audit team ang iba pang mga proyekto ng pamahalaang lokal gaya ng Queuing Management Information System (QMIS), HAPIKids Zone and Lactating Area pati na rin ang proseso ng Freedom of Information QR code scanning.
Umiikot ang ARTA sa buong bansa upang bigyan ng parangal ang iba’t ibang mga lokal na pamahalaan ng “e-BOSS certificate of commendation” bilang patunay at pagkilala sa paggamit ng LGU ng digitalisasyon para sa mabilis at maayos na sistema sa rehistrasyon ng negosyo. (Sulat ni R. Natividad-Sarael, CIO/Kuha ni KJ Evardo, IsaTV)

Like this article?

Share on Facebook
Share on Twitter
Share on Linkdin
Share on Pinterest

Leave a comment

Comments

Recent Post

IN Q1 SOLID WASTE MGM’T BOARD MEETING: LGU REITERATES CALL EVERYONE’S ROLE

The Isabela City Solid Waste Management Board convened for its 1st Quarter meeting on January 13 to address pressing issues and plan initiatives aimed at improving waste management across the

January 14, 2025

KASANAYANG-PANGKABUHAYAN, HANDOG PARA SA MGA MAG-AARAL NG IECES-SNED

Binisita ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang mga mag-aaral ng Special Needs Education (SNED) program ng Isabela East Central Elementary School, ika-6 ng Enero, upang masaksihan ang kanilang aktibong

January 8, 2025

MGA BENEPISYARYO NG IMLAP-SGA, NAGLUNSAD NG KIOSK-PANDAGDAG-KITA

Pinangunahan ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang paglulunsad ng IMLAP Kiosk, isang inisyatibo ng Islamic Microfinance Livelihood Assistance Program-Support Group Organization, ika-6 ng Enero, na ginanap sa Pasangan Commercial

January 8, 2025

HAPIFORCE, NATANGGAP ANG KANILANG FINANCIAL ASSISTANCE

Pinangunahan ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman at Kinatawan ng Tanging Distrito ng Basilan at Katuwang na Pinuno ng Minorya Mujiv Hataman, ika-6 ng Enero, ang seremonya para sa pamamahagi

January 8, 2025

HISTORIC MOMENT FOR PUBLIC HEALTH – BGH IS OFFICIALLY ‘BASILAN MEDICAL CENTER’

Basilan Lone District Representative Mujiv Hataman delivered the keynote address during the Renaming Ceremony of the Basilan General Hospital (BGH) to Basilan Medical Center (BMC), January 7. The event marked

January 8, 2025

Your City Government at Work!

Other Links:

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
All content is in the public domain unless otherwise stated.

 

 

Feedback Form
Privacy Policy

 

 

Contact numbers/Trunk lines:
8734-74-20 | 8734-59-66 Local 134

HOTLINES
PDRRMC: (977) 668- 6702
CDRRM: (997) 778- 8881
Isabela City Police Station:
(917) 701- 3250
Isabela City Fire Station:
(956) 738- 8015

ABOUT GOVPH
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.

GOV.PH
Official Gazette
Open Data Portal

GOVERNMENT LINKS
The President
Office of the President
Office of the Vice President
Senate of the Philippines
House of Representatives
Supreme Court
Court of Appeals
Sandiganbayan

© 2023 All Rights Reserved | Office of the City Mayor

Scroll to Top