Sa ngalan ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, nakipagpulong si Tagapangasiwa ng PESO Aradelria Belleng kay
Deputy Country Representative Myn Garcia ng The Asia Foundation, kasama si Finance Director Paul de Pano, ika-7 ng Agosto. Kasama rin sa pulong sina The Asia Foundation Assistant Program Officer Motch Villareal, Executive Director Miriam Suacito ng Nagdilaab Foundation Inc., at mga facilitator ng HAPISABIDA.
Maalala na naging katuwang ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela ang The Asia Foundation sa mga proyekto nitong may kinalaman sa pagpapalawig ng mga oportunidad pangkabuhayan lalo na sa mga kababaihan at mga maliliit na negosyante sa lungsod. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)