Ang Zamboanga Peninsula Regional Nutrition Evaluation Team (RNET) na pinangunahan ni NNC IX Nutrition Officer Elton Pelegrino, ay nagsagawa ng Monitoring and Evaluation of the Local Level Plan Implementation Protocol (MELLPI Pro) para sa Lungsod ng Isabela, ika-8 ng Agosto.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ng Tagapangasiwa ng Lungsod Pedrito Eisma ang pagnanais na mapabuti ang programang pangnutrisyon ng lungsod. Naniniwala siyang ang malulusog na bata ngayon ay magiging malulusog na lider sa hinaharap. Sinabi rin niya na ang pagsubaybay na ito ay mahalaga upang matukoy kung saan kailangan mag-improve at gumawa ng mga interbensyon para mas mapabuti ang programa ng nutrisyon.
Ang nasabing pagmamasid ay kinabilangan ng desk review ng mga dokumentong may kinalaman sa pagpapatupad ng mga programa sa nutrisyon, at batay sa ginawang pagsubaybay at pagsusuri, napanatili ng lungsod ang Green Banner Seal of Compliance.
Matatandaan na sa kauna-unahang pagkakataon ay nakamit ng Lungsod ng Isabela ang Green Banner Seal of Compliance sa ilalalim ng pamumuno ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman. Lumaki rin ang pondo ng pamahalaang lokal para sa mga programang pangnutrisyon, mula 850 libong piso noong 2019 hanggang sa 3,477,000 milyong piso para sa 2024 na pinakamalaking alokasyon ng isang LGU sa buong rehiyon. Dahil rito, ang antas ng mga batang bansot sa lungsod ay bumaba sa 0.9 porsyento noong 2023 mula 18.20 porsyento noong 2020; ang antas ng mga batang Isabeleño na kulang sa timbang ay bumaba rin 0.8 porsyento noong nakaraang taon mula sa antas nito noong 2020 na 12 porsyento.
Ang RNET team ay kinabibilangan nina Komisyon sa Populasyon at Pagpapaunlad IX CapDev Field Coordinator para sa Lungsod ng Zamboanga Ma. Lourdes Paredes at Mary Jane Jocutan, mula sa Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lungsod ng Zamboanga HUMU SGOD Nutrition Dietician na si Eric Bangkal.
Naging bahagi naman ng nasabing panayam at pagsusuri ang mga tagapangulo ng ilang kagawaran na sina CHRMO Rosella Luna at CNAO Jesielyn Puno, kasama ang Hepe ng LEDIPO Jaime Juanito Rivera at HEPO Bernardita Hontucan, ZFF City Technical Lead para sa IDB at Lungsod ng Zamboanga Tony Tumalon, at mga kawani ng Tanggapan ng Pamamahala at Pag-papaunlad ng Populasyon. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)
#HAPIsabela
#AHappyAndDignifiedLifeforAll