Nakipagpulong si Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman sa mga kawani mula sa Tanggapan ng Agrikultura, ika-13 ng Agosto upang talakayin ang mga hakbang para sa idadaos na Fisherfolk Summit. Dumalo rin sa pulong si CGSO Eugene Strong.
Ipinresenta ni AO Sigfred Bendijo ang mga konsultasyon na kinabibilangan ng FGD/KII, at mga sarbey sa mga katuwang para sa nalalapit na Fisherfolk Summit na nakatuon sa mga mangingisda, nagtitinda ng isda, mangangalakal ng isda, mga nagpapatakbo ng palaisdaan, at kasalukuyan at potensyal na mga kabakas na ahensya.
Samantala, nagbahagi si dalubsaka Jonathan Pedillon ng mga impormasyon ukol sa mga gawain ng Isabela City Coffee Growers Association, kasama na ang iskedyul ng pagtatanim para sa buwan ng Agosto, kasama ang kahalintulad na aktibidad ng LYDO noong Agosto 12 na nakapagtanim ng 500 punla, at ang Buwan ng Serbisyo Sibil sa darating na Setyembre 7, kung saan 500 punla ang itatanim.
Ang Fisherfolk Summit ay naglalayong itaguyod ang napapanatiling pamamaraan ng pangingisda, palakasin ang kakayahan at kabuhayan ng mga mangingisda, at pagyamanin ang pagtutulungan at pagbabahagi ng kaalaman sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela at ang sektor ng pangingisda. (Sulat ni E. Banding-Hadjala/Kuha ni M. Santos, CIO)