‘𝗚𝗢𝗢𝗗 𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔 𝗖𝗔𝗥𝗔𝗩𝗔𝗡’, 𝗦𝗜𝗡𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗔 | Sa unang araw ng Good Governance o GoGo Isabela Caravan, mahigit sa 100 mga miyembro ng BION at KALIPI ang aktibong lumahok sa nasabing programa, ika-24 ng Hulyo.
Ang GoGo Caravan ay bahagi ng inisyatibong naglalayong palakasin ang pagiging bukas sa pamamahala ng Lungsod ng Isabela. Layunin nitong magbigay ng oportunidad sa mga miyembro ng komunidad, na makilahok at maunawaan ang mga proseso at programa ng pamahalaang lokal.
Sa pagpapatuloy ng GoGo Isabela Caravan, inaasahang mas mapapalawak pa ang kaalaman at pakikiisa ng mga mamamayan sa mga adhikain ng good governance ng Lungsod ng Isabela.(Sulat ni R. Natividad-Sarael/Kuha ni M. Santos, CIO)