Ang dating tagpi-tagping kahoy ay pinalitan na ng konkreto. Ito ang nasaksihan ng mga residente ng Barangay Timpul nang pangunahan mismo ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang pasinaya, Hunyo 6, ng proyekto ng pamahalaang lokal na konkretong taytayan.
Pinondohan ng 20% Development Fund at nagkakahalaga ng P2,393,311.30, inaasahang mapapabuti nito ang galaw ng mga residente at mapapahusay ang kanilang araw-araw na pagbaybay para sa kanilang pupuntahan.
Sa nasabing maikling programa ay sinamahan si Punong Lungsod Turabin-Hataman nina CGSO Eugene Strong, mga kawani ng Tanggapan ng Inhenyeriya at ni Timpul Punong Barangay Ibno Tura. (Sulat ni SJ Asakil, CIO/Kuha ni J. Segovia, IsaTV)