Kung dati ang kaunting ulan lamang sa Barangay Baluno ay malaking kaba na ang nararamdaman ng mga residente nito dahil sa tiyak na pagbaha at paglikas na naman nila mula sa kanilang mga bahay, ngayon ay mahimbing na ang pagtulog ng mga residente dahil naayos na ang matagal na problema sa pagbaha sa kanilang lugar. Sa pagbuhos ng malakas na ulan mula kahapon, June 18, walang naitalang pagbaha sa Barangay Baluno ayon sa CDRRMO.
Sa inisyatibo ni Rep. Mujiv S. Hataman, napondohan ang isang flood control project sa Barangay
Baluno na kinuha mula sa Local Infrastracture Program (LIP).
Construction of Revetment Along Baluno Bridge, Isabela City, Basilan
Length: 255meters
Project Cost: PhP 66,500,000
Source of fund: Local Infrastracture Program (LIP)