Ipinakita ang bagong bihis ng mga mascots ng lungsod, Hunyo 13, kung saan ang dating pula at dilaw ay napalitan na ng luntian at bughaw —mga kulay na sumisimbolo sa kabundukan at karagatang pinagkukunan ng yaman at hanap-buhay ng mga Isabeleños.
Sina ISA at BELA ay makakasama ng Pamahalaang Lungsod sa pagbisita at paghandog nito ng mga serbisyo sa iba’t ibang mga barangay at paaralan sa lungsod gaya na lamang ng mga programang Dia de Isabeleños Pasangen Sin Katabangan caravan ng PESO at ang HAPIsabela Mobile Library ng City Information Office. (Kuha ni M. Santos, CIO)